CHAPTER 1

802 30 4
                                        

FIRST BLOOD
AUGUST 21, 2020. 157th Day

"Parang awa nyo na, wag ahhhhhh"

"wrhh arrrf graa"

       Napatakip nalang ako ng kamay sa aking bibig nang itulak sya sa hagdan ng aming bahay nung isang lalaki habang tumatawa. At kasabay ng linyang iyon ay ang tuluyang pagbuhos ng aking mga luha. She's going to die, mawawala na din sya. Ang huli kong kakampi, ang huli kong katulong upang makasurvive sa nakakatakot na mundong ito at higit sa lahat ay ang pinakahuling kapamilya kong buhay.

Ang ATE ko.

Di ko mapigilan ang emosyon ko habang pinapanood si Ate Vanesa na pinagpipyestahan at inuubos ng mga nilalang na iyon. She is being eaten alive by a three of i don't know what are they, halimaw, zombies? Di ko na alam.

Nakatingin sya sa direksyon ko, ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya sa mga oras na ito habang kinakagat kagat sya ng mga nilalang na iyon at tumatalsik ang mga dugo nya sa hagdanan. Di na ako mapakali. Ilang segundo nalang at alam kong tuluyan na rin siyang mawawala sa akin. Nagtama ang aming mga mata at sa huling sandali ay pinilit nyang ngumiti sa akin kasabay noon ay ang mga huling mensahe nya para sa akin.

"Bunso, patawad kung di na kita masasamahan pa. Di natupad ni ate ang promise nya sayo, na magkasama tayong makakaligtas at mamumuhay muli ng payapa. Wag mong isuko ang buhay mo dahil wala na ako, kami, sa tabi mo. Isinakripisyo ko ang buhay ko para sa iyo kapatid ko. At bilang kapalit ay nais kong mabuhay ka. Ipangako mo sakin na mabubuhay ka kahit anong mangyare, okay? Mahal na mahal ka namin, mag iingat ka"

Pagkatapos ng huling bilin sa akin na iyon ni ate ay ang pagsara ng kanyang mga mata. Hudyat na tuluyan nya na akong iniwan. Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon, takot, kaba at pagkagulat pero mas nangingibabaw ang galit. Galit sa taong tumulak sa kanya at sa mga kasama nito. Tumatawa pa sila habang pinapanood si ate na kinakain ng mga nilalang na kasumpa sumpa ang mga itsura. Gusto ko nang lumabas dito sa kinatataguan ko ngayon lalo nang makita kong dinadala na sya sa labas ng mga nilalang na yon.

Lalabas na sana ako upang sugudin sila at pakawalan ang galit ko sa ginawa nila kay ate ngunit 'di pwede. May mga baril sila na hawak at pagkita palang nila sa akin ay maari nila akong barilin at mapatay. At hindi ako pwedeng mamatay dahil iyon ang huling bilin ni ate, na kailangan kong mabuhay. Ang gulo pa rin ng isipan ko, halos humakbang na ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakikita ko, ngunit di pwede na mauwi lang sa wala ang buhay na sinakripisyo ni ate para sa akin. Kaya pinigilan ko ang sarili ko.

"Halughugin ang bahay!" utos nung lalaki na tumulak kay ate doon sa kasama nya.

"Masusunod Master Kong" tugon nung kasama nya na agad tumangis upang halughugin  ang bahay.

Nang marinig ko ang pangalan ng lapastangan na tumulak kay ate na naging dahilan ng pagkamatay nya ay di ko mapigilan na kumulo ang dugo ko. Kong ang pangalan nya, codename ba yon? Bagay naman sa itsura nya dahil mukha syang unggoy. Tila bigla akong naging isang demonyong galit na galit ngayon sa pwesto ko. Biglang napuno ng galit ang puso ko na ngayon ay tila di ko na madama ang pagtibok.

Sa sobrang galit ko ay naramdaman kong may kakaiba, napatingin ako sa braso ko at nagulat ako ng makitang lumalaki ang mga ito na tila lumalabas ang litid. Bigla akong natigilan at sa gulat ay natabig ko ang lata sa gilid ko.

"Ano yon?!" gulat na tanong ni Kong.

Agad naman nagtungo sa kinaroroonan ko ang kasama nya.

The Recreation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon