CHAPTER 6

112 15 0
                                    

THE ZOMBIES ARE IN THE HOUSE!

                Sean' Point of View

Nandito pa rin kami ngayon sa tapat ng bintana. Kung kanina ay excitement at saya ang aura sa paligid dahil sa slaughter the zombie operation namin, ngayon ay gigil at inis na.

Mag iisang oras na kaming nakatayo dito sa bintana at ni isa ay wala akong mapatay na zombie. Tahimik na si Jasmin sa tabi ko. Ramdam ko ang pagpipigil niya sa akin.

Sumumpit ulit ako sa hanay ng mga zombie, ngunit kagaya ng kanina pa nangyayari ay hindi sa utak ito tumama kundi sa balikat ng isang lalaking zombie na naaagnas na ang katawan.

Narinig ko namang napabuntong hininga ng malalim si Jasmin sa tabi ko. Napipikon na ata talaga siya, kanina pa niya kase itinuro sa akin ang mga kailangang gawin . Mula sa pagsipat hanggang sa pagkalabit ng sumpit, ngunit kahit ilang minuto kong sipatin ang target ay hindi parin ito tumatama oras na kalabitin ko na ang gantilyo.

"Pasensya na, isa pa. Gagalingan ko na" nahihiya kong wika sa kaniya.

Wala naman siyang nagawa kung hindi tumango. Halata ko na rin sa mukha niya ang dissappointment? Bakit ba kase hindi ko magawa ng tama. Naiinis na din ako sa sarili ko, nakakahiya na kay Jasmin.

Muli ko naman itinutok ang aking sumpit. This time sobrang focus na talaga ako sa target ko. Todong pagsipat talaga ang ginawa ko at agad humanda sa pagsumpit.

3
2
1

Napatakip naman sa noo niya si Jasmin ng sablay na naman ang pako na pinakawalan ko sa aking sumpit. Napakalapit na sa utak eh, sa pisngi kase tumama. Wews sobrang kahihiyan at pang aabala na ang ginawa ko. Excited pa naman kanina si Jasmin noong sabihin niyang let's kill some ugly monters tonight tapos heto siya ngayon at bored na bored na sigurado sa akin.

"Pasensya na talaga, ayaw parin tumama eh.." napakamot na ako sa batok ko noon sa sobrang hiya.

"....ang mabuti pa magpahinga ka na sa kwarto mo, pasensya na ulit sa abala. Wag kang mag alala di na kita kukulitin ulit about dito" nakayuko ko nang sabi. Kahit ayaw ko pa tapusin ang insayo namin ay wala naman akong magagawa dahil hindi naman ako natututo.

"Hindi!" tugon niya.

"Hmm? Ano yon?" tanong ko naman sa kaniya na medyo nagulat sa boses niya.

"I mean hindi pa kita tapos turuan.." sagot niya.

Naguluhan naman ako at the same time napangiti dahil tuturuan pa niya ako. Mukha na kase siyang walang gana kanina habang sunod sunod ang pagpalya ko.

Tahimik naman ako ngayon habang inaantay ang sunod niyang sasabihin dahil wala din naman akong masabi na salita.

"Napansin ko kase kanina habang nag oobserba sa ginagawa mo na although determined ka eh wala doon yong gigil." panimula niya.

"Gigil?" bitin ko namang tanong.

"Oo, Kulang  ka sa gigil" tugon niya.

Grabe naman kung mangbitin to, di nalang agad sabihin

"Anong ibig mong sabihin" tanong ko ulit.

"I mean, yung gigil sa PAGPATAY!"

Naka Emphasize pa talaga yong word na Pagpatay.

" Dapat madali lang sa'yo 'to eh. Kase you have the every reason to kill. Remeber that those people(tinutukoy niya ang mga pumatay kila mommy, daddy at ate Vanessa) and them (sabay turo sa mga zombies) ang dahilan kung bakit ka mag isa ngayon. Don't you want to avenge your family?." seryoso nitong tugon.

The Recreation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon