OPERATION: SAVE TITO ARTHUR
Sean's Point of View
Naguguluhan man ako dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon ngayon lang ay isinantabi ko muna iyon. Humupa na rin ang galit ko noon. Kahit papaano ay kumalma na ako.
20 minutes lamang ang byahe namin sa motorsiklo at tumigil na kami sa tapat ng isang maliit na bahay. Wala mang kasiguraduhan ay dali dali naming inakay si tito sa loob. Mabuti na lamang at walang panganib sa loob ng bahay at mukhang walang zombie sa paligid.
Hindi naman kami nahirapang makapasok dahil hindi nakalock ang mga pinto. Agad naming dinala si tito sa kwarto at inihiga doon.
Pagkahiga pa lamang ni tito sa kama ay agad naman siyang niyakap ni Jasmin ng mahigpit.
"Tay, gagamutin kita ha. Wag kang mag alala, gagaling ka. Ililigtas kita." namamaos na wika ni Jasmin sa ama. Bumuhos na rin ang mga luha sa mata niya na kanina pa niya pinipigilang lumabas.
Tumulo na rin ang mga luha ko habang pinagmamasdan si tito na nanghihina na talaga. Maraming dugo na ang nawala sa katawan niya at nasa tiyan niya parin ang bala ng baril na ipinutok kanina sa kaniya ng lalaki sa gate.
Tumayo naman na si Jasmin at dali daling ginalugad ang bahay upang maghanap ng mga maaaring gamitin.
Naiwan naman ako ngayon na nakatayo habang tumutulo ang luha sa harapan ni tito. May nakita akong maliit na altar sa kwarto at laking pasasalamat na may kandila dito at posporo. Agad ko itong kinuha at sinindihan bago lumapit kay tito. Nag aagaw na ang dilim at liwanag kaya mainam na may ilaw kami.
"Tito ano po bang nangyari? Sana hindi na lang po kayo nanlaban" hinihingal kong sambit dahil sa pag iyak ko.
"Nais ko lang sana balikan iyong kwintas na may litrato ni Jasmin at ni Gianna, ang ina niya. Mahalaga iyon sa akin dahil iyon na lamang ang huling ala ala sa akin ng asawa ko ngunit hindi nila ako pinayagan at sa halip ay binaril." paliwanag ni tito na bagamat nahihirapan na ay pinipilit paring magsalita.
"Pero tignan mo naman tito ang nangyari, napahamak ka pa. Wag mo na po iyong ulitin. Hindi nalang po si Jasmin ang nag aalala sa inyo ngayon kundi ako rin dahil itinuturing ko na po kayong ama." humihikbi kong sabi.
Napangiti naman ng kaunti si tito sa sinabi ko.
"Anak..." tila biglang lumiwanag ang puso ko sa aking narinig. Halos kalahating taon na din ng huling may tumawag sa akin ng anak. ".... kung sakali mang may mangyari talaga sa aking masama. Ipangako mo na aalagaan mo ang anak ko." bigla namang nagbago ang maliwanag ng mukha ko kanina.
"Tito, huwag naman po kayong magsalita ng ganyan. Walang mangyayaring masama sa inyo. Ililigtas kayo ni Jasmin" naiinis kong sagot sa kaniya. Anong klaseng bilin ba kase iyon kung pwede namang siya ang gumawa dahil maililigtas siya.
"Kung sakali lang naman. Ipangako mo aalagaan at poprotektahan mo ang anak ko. Kahit na alam kong mas kaprote-protekta ka pa." natatawa niyang pang aasar sa akin. Malala na nga siya ngayon pero nakuha niya pang magbiro.
"Wala nga kaseng mangyayaring masama sa iyo tito." pagpipilit ko sa kaniya .
"Basta mangako ka!" seryoso niya tugon sa akin.
"Oo na po. Pangako. Tsaka kahit naman po hindi niyo hingin sa akin iyon ay gagawin ko parin. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa inyo dahil kayo nalang ang pamilya ko ngayon" sagot ko.
"That's my boy!" iyon na lamang ang nasabi niya habang nakangiti na.
Niyakap ko na rin si tito. Ngayon na nasa kama na siya ay medyo nakabawi siya ng lakas.
BINABASA MO ANG
The Recreation (COMPLETED)
TerrorThe rise of a virus that no one had prepared for. A massive destruction in buildings, economies and life all over the world. In just one week. What could we possible do in this kind of situation. Would the world be back again to the old way it used...
