CHAPTER 11

137 14 0
                                        

FERRIS WHEEL     
      
                Sean's Point of View

Tila hindi ako naririnig ni Jasmin. Grabeng pagmamakaawa na ang ginagawa ko ngunit tulala parin siya.

"Wala ng silbi ang buhay ko, wala na si tatay. Wala na akong dahilang mabuhay." sambit niya.

"Please Jasmin, ibaba mo yan. Mag-usap muna tayo." pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Hindi mo ako maiintindihan Sean, si tatay nalang ang meron ako at ngayong wala na sya.."

"NAIINTINDIHAN KITA!" napasigaw na ako para makuha ang atensyon niya. Tagumpay naman dahil napatingin na siya ngayon sa mga mata ko. Nabasa ko sa isip niya na desidido na siyang kunin ang buhay niya. Anong gagawin ko? Kailangan ko siyang iligtas.

"Please Jasmin, maniwala ka sa akin.
Hindi solusyon ang pagpapakamatay. Dati ko na rin binalak kunin ang buhay ko ngunit narealize ko na hindi ito ang tama. At isa pa, binilin ka na sa akin ni tito na kahit anong mangyari ay pangangalagaan kita kaya please, ibaba mo na yan" nangingig na ako ngayon dahil mukhang hindi ko siya nakumbunsi at nabasa ko ito sa mga mata niya.

"Wala na akong pakialam kung tama o mali ito. Basta ang alam ko lang ay wala ng silbi ang buhay ko! Wala na akong dahilan para mabuhay pa." galit na sagot nito.

"Meron!" sigaw ko rin.

"H-ha?" Nagbago bigla ang itsura niya na tila nagtataka sa sinabi ko.

"May isang dahilan ka pa para mabuhay"

"Ako" nahihiya kong sagot sa kaniya.

"Ako Jasmin, gawin mo akong dahilan para mabuhay. Kailangan kita at hindi ko kakayaning mawala ka dahil..." nag aalangan pa ako kung sasabihin ko ito.

".....dahil MAHAL KITA." noong una ay kumbinsado ako na paghanga lang ang nararamdaman ko sa kaniya ngunit habang tumatagal ay tila mas lumalalim ang affection na dulot niya sa akin. Ni ayaw ko nang mawalay sa tabi niya, ayokong nasasaktan siya at ayokong nalulungkot siya. Hanggang isang araw ay gumising nalang ako na mahal ko na siya.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Ayokong basahin ang nasa isip niya sapagkat hindi ako handa sa saloobin niya. Never kong naramdaman na may pagtingin din siya sa akin ngunit sana kahit ang katiting na pinagsamahan nalang namin ang maging isang rason para piliin niyang mabuhay, kasama ko.

Ilang saglit lang ay biglang nabitawam nito ang kutsilo at biglang nahimatay. Agad ko naman siyang sinalo. Napapikit nalang ako at napahinga ng maluwag. Nailigtas ko siya.

Dinala ko na siya sa kwarto niya at magdamag na binantayan. Pinilit kong hindi matulog buong gabi sa takot na baka magising siya at ituloy ang planong pagpapakamatay.

"....dahil MAHAL KITA"  biglang nagflashback sa utak ko ang mga nasabi ko kanina. Jusko, ano bang nasabi ko kanina. Nakakahiya, napaamin ako ng wala sa oras. Wala na akong balak pang ipaalam sa kaniya ang nararamdaman ko dahil bukod sa natotorpe ako ay hindi rin napapanahon.

Grabe ang pagpipigil ko sa aking mata upang huwag itong pumikit sapagkat kailangan kong bantayan itong si Jasmin ngunit ang mga huni ng kuliglig sa paligid ay nakakaengganyo at tila umaawit sa akin. Sinampal sampal ko pa ang pisngi ko upang magising ngunit tila hindi mawala ang antok ko at siguro dahil narin sa pagod ay....

"Zzzzzzzz"

              Jasmin's Point of View

Nagising ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa tumagos na sinag ng araw sa bintana, umaga na. Hindi ko parin matanggap na patay na si tatay. Kamakaylan lang ay inoperahan ko pa siya at iniligtas. Hindi ko inaasahan na babawiin naman siya agad sa akin. Lahat ng kung ano ako ngayon ay dahil sa kaniya. Tumulo na ang luha ko dahil hindi ko na mapigilan ang lungkot at pangungulila ko kay tatay. Siya lang ang nag-iisang dahilan kung bakit pinipilit kung mabuhay.

The Recreation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon