MGA BAGONG KASAMA
Sean's Point of ViewNarito kami ngayon sa isang maliit na bahay sa Cavite. Ang bawat bintana ay balot na balot ng makakapal na kurtina. Marami ding dikit ng tapes sa mga bintana, mga upuan at mga gamit. Sinadya daw nila iyong gawin upang maiwasang makagawa ng ingay kung sakaling may matabig man sila na gamit sa bahay.
Ang babaeng nagligtas sa akin kanina ay Jasmin pala ang pangalan. At ang nagdrive naman ay si Sir Arthur na tatay niya. Nasa sala kami ngayon at kinikilala nila akong mabuti.
Nagtaka ako kung anong ginagawa nila sa Metro Manila samantalang dito pala sila nakatira sa Cavite. Kaya tinanong ko.
"Nabalitaan kase namin ni Jasmin na may isang lugar doon sa Quezon City ang tinatawag na Safe Place" wika ni Sir Arthur.
"Magtatatlong linggo na namin hinahanap yon eh. Kanina natiyempuhan lang kitang makita nang marinig ang isang salaming nabasag. Akala ko kase babae kaya naawa ako. Lalaki pala." sabat ni Jasmin na parang nadissappoint dahil lalaki ang nailigtas niya at hindi babae.
Nagpout nalang ako sa harap nya at nagkunwaring malungkot ang itsura.
"Naku Hijo pagpasensyahan mo na itong Unica Hija ko, palyado na minsan bunganga niyan kaya ganyan manalita. Pero wag kang mag alala mabait yan." pagpapagaan sa loob kong sabi ni Sir Arthur. Natawa ako doon aa palyado na ang bunganga. Haha
"Tay naman!!" pinalo nya ang tatay nya at nagtawanan sila.
Naaliw naman ako habang pinapanood sila. Sobrang close nila sa isa't isa eh. Naalala ko tuloy ang pamilya ko dahil ganon din kami dati.
Nakitawa na din naman ako sa kanila dahil ang kulit nila. Ang saya nila kasama. Tinanong din nila ako ng kung ano ano tungkol sa buhay ko. Kinwento ko naman sa kanila ang lahat ng nangyari at nakiramay sila sa akin. Kahit papaano ay di na ulit ako mag isa. Tinanggap ako nila Sir Arthur at Jasmin sa kanilang bahay at alam kong sincere sila dahil nabasa ko sa utak nila na wala silang balak na masama sa akin. Ano pa daw naman magagawa nila eh nandito na ako. Tsaka mas marami mas malakas daw laban sa panganib sabi ni Sir Arthur. Medyo napalunok naman ako doon sa sinabi nya dahil ano bang maiaambag ko? Haha.
Itong si Jasmin patuloy pa rin sa pagmamaldita sa akin. Pero okay lang na ganon ang trato niya sa akin dahil alam kong di naman siya galit talaga. Kumbaga parang nature nya na iyon lalo na at kakakilala nya palang sa akin.
Inabot na kami ng hapunan sa pagkukwentuhan. Sabik sila na makipag usap sa ibang tao. 4months na daw ng huli silang may makausap na tao.
Ako din naman ay ganoon. Sabik akong makipagtalastasan sa mga bagong kaibigan. Nagkaroon ako ng mapaglalabasan ko ng hinanakit at lungkot. Maluwag naman nilang tinanggap ang mga kwento ko.
"Ano po palang nangyari sa asawa nyo? Nasan po siya?" out of nowhere at curiosity kong tanong kay Sir Arthur. Bigla naman itong napatigil sa pagkain at sumeryoso.
"Wala na siya, patay na" sagot niya.
Ilang seconds na katahimikan di ako agad nakaimik. "Naku, sorry po" sincere kong tugon.
"Okay lang Hijo" maging si Jasmin ay mukhang naging seryoso na din sa pagkain at mukhang malungkot. "Noong nakarating na dito ang mga zombie ay isa siya sa mga hindi nakaligtas. Hindi kami aware na may mga kaguluhan na pala sa NCR noon at mabilis silang nakarating dito. Nakagat siya sa binti. Batid na niyang magiging zombie na rin siya dahil nakita namin ang nangyari sa ibang mga nakagat. Pinilit na niya kaming umalis. Kahit labag sa kalooban namin ni Jasmin ay wala kaming nagawa kung hindi iwanan sya. Habang papalayo ay nakita pa namin kung paano siya pagpiyestahan ng mga zombie noon. Tanging pag iyak na lamang ang nagawa namin habang bumabalik sa kotse upang umalis na" mahabang salaysay ni Sir Arthur. Napatingin ako sa direksyon ni Jasmin at may namumuo na din ang luha sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
The Recreation (COMPLETED)
HorrorThe rise of a virus that no one had prepared for. A massive destruction in buildings, economies and life all over the world. In just one week. What could we possible do in this kind of situation. Would the world be back again to the old way it used...