CONFESS
Sean's Point of View
Excited ako ngayong araw dahil ito ang araw na pupunta kami sa pantalan. Ibig sabihin lang non ay masisimulan ko na ang misyon na ibinigay sa akin ni Professor. Naku, ilang araw din akong tengga ha. Naiinggit na nga ako kay Jasmin dahil lagi siyang busy samantalang ako pahiga higa at nakikipag usap lang sa ibang mga tao doon. Kilala ko na silang lahat at kaibigan na. Sa ingay ko ba namang ito, wala akong pinapalagpas na kaibiganin. Haha.
Narito na kami ngayon sa basement at inihahanda ang kotse na gagamitin namin. Dalawang kotse ang gagamitin dahil kasama din namin si Chuck , Gerald at Gavin. Mga may kaalaman din kase sila pagdating sa pagmemekaniko kaya naman malaking tulong sila.
Nang masiguradong handa na ang lahat ay dali-dali na kaming umalis. Nakaabang naman si Dan noon sa gate upang isara ito. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Medyo delikado at the same time thrilling. Dala ko ngayon ang sumpit at armor ko, mahirap na baka mapasabak kami mamaya.
Kasama ko ngayon itong si Jared at Sab sa kotse habang nasa kabila naman sila Chuck, Gavin at Gerald. Napapaisip parin ako sa islang sinasabi nila "Hope Island" meron bang ganoon? Mabuti pa ay mag usisa.
"Yung Hope Island, totoo yon?"
"Ewan ko ba dito kay Jared, sure daw siya eh. Hoy totoo ba iyon? Baka tinotokis mo kami ha" ang angas manalita nitong si Sab ah. Pasiga siga na.
"Hoy, Sab. Kelan ka pa natuto ng ganyang pananalita ha. Hahaha" nakakatawa kaseng marinig siya na magsalita ng tinitokis. Inglesera kase iyan noon. Buti nga nagtatagalog na.
Tinignan lang ako ng masama ni Sab.
"Oo nga, pangaralan mo nga yang kaibigan mo. Puro jeje words lumalabas sa bibig." natatawang sabi naman ni Jared.
"Kanino pa ba ako matututo eh isang tao lang naman ang lagi kong kasama duh." bigla naman akong napangiti. Bakit ba nagbreak itong dalawang ito eh ang perfect nila tignan. Pero parang may something parin sila.
"So sinasabi mong sa akin ka natuto ng kajejehan? Hoy fyi.." hindi ko na pinatapos pa itong si Jared lumalayo na kami sa topic.
"Ehem. Masasagot pa kaya 'yong tanong ko?" napatingin naman silang dalawa sa akin. Ang haharot eh may tinatanong ako.
"Ano na nga ulit iyong tanong?" hay naku talaga. Oo nga pala, ayos na kami nitong si Jared. Noong nakaraan kase ay ang cold ng pakikisama niya sa akin at iyon pala ay dahil nagseselos si mokong. Nagseselos daw siya sa amin ni Sab. Binatukan ko nga siya noon dahil sa sinabi niya. Ipinaliwanag ko sa kaniya na magkaibigan lang talaga kami at si Jasmin ang gusto ko. Wews. Pero diba parang same mood sila noon ni Jasmin at napapansin ko na everytime na nakikita niya kaming magkasama ni Sab ay nagiiba ang mood niya. Hindi kaya.... Ay hindi, never yun magseselos. Wala naman siyang gusto sa akin. :(
"Ah iyon ba. Oo totoo yon" bigla naman akong natauhan ng sumagot si Jared.
"Paano mo naman nasabi na totoo, aber?" itong si Sab talaga. Mga sagutan din eh.
"Eh ano. Basta, totoo yon" bigla namang parang umatras ang mukha ni Jared. May hindi siya sinasabi sa amin.
"Ako pa talaga paglilihiman mo ha, sige na sabihin mo na" napansin ko kaseng parang nahiya siya at may ayaw siyang malaman namin. Nakatutok na kami ngayon sa kaniya at naghihintay ng sagot.
"Actually, I know that place kase....(buntong hininga) samin iyon" pagkasabing pagkasabi niya noon ay talaga namang napabagsak ang mga panga namin sa lupa. Medyo OA, sorry. Pero seryoso, napanganga kami ni Sab sa sinabi ni Jared. May isla sila sa Pilipinas at ang ibig sabihin noon ay sobrang yaman ng pamilya nila.
BINABASA MO ANG
The Recreation (COMPLETED)
HorrorThe rise of a virus that no one had prepared for. A massive destruction in buildings, economies and life all over the world. In just one week. What could we possible do in this kind of situation. Would the world be back again to the old way it used...
