CHAPTER 2

371 23 0
                                        

WHERE AM I.

AUGUST 22, 2020. 158th day

                Sean's Point of View

Narito ako ngayon sa likod ng bahay namin habang pinagmamasdan ang umbok na lupa kung saan ko inihimlay ang box na pinaglibingan ko kay Ate Vanesa. Tumutulo pa rin ang luha ko. Di ko matanggap na wala na ang kaisa isang taong masasandalan ko. I don't want to live in this world alone and sad. Pero sa ngayon ay ang huling habilin nya na lamang ang natitirang dahilan kung bakit ko pinagpapatuloy ang buhay ko.

Sobrang tragic ang nangyari sa pamilya ko. Masaya lang kami noon at isang normal na pamilya din. Masayang kumakain ng sabay sabay, nagkukulitan, minsan nag aaway. Nakakamiss na wala kaming problema noon. Stable ang pamumuhay namin dahil parehong scientist ang mga magulang namin. Masaya kaming nagmamahalan. Pero ngayon ay wala na silang lahat, ako nalang ang natira. Alam ko naman na darating ang araw na kukunin din sila ng Diyos sa akin, pero di ko inexpect na ganito pala kasakit. Napaupo ako sa tabi ng puntod ni Ate at biglang inalala ang simula ng lahat, kung bakit dinaranas ko ang kalbrayong ito ngayon.

Flashback

It was 5months ago, galing kaming mall dahil nag Family bonding kaming Pamilya. Normal lang naman itong araw na ito dahil ginagawa namin ito once a week. Pauwi na sana kami ng bahay noon ng mapansin ni daddy na may nakasunod sa amin na kotse. Ilang minutes lang after noon ay may tumawag kay mommy. Saglit lang yong tawag pero balisa na si mommy pagkaend ng call. Naguluhan ako sa sumunod na nangyare dahil binilisan ni daddy ang pagdrive, medyo natakasan namin yung nakasunod sa amin dahil naabutan sila ng red light. Si daddy naman, agad pinahinto ang sasakyan at kinausap si kuya Lester. Di ko narinig ang pinagusapan nila pero nung tumango si kuya at humarap samin ay napansin kong nangingilid ang luha sa mata nya. Agad namang umalis sila daddy. Magtatanong pa sana ako kay kuya pero agad syang pumara ng taxi at sumakay na kami. Ang weird lang kase sa hotel kami tumuloy at hindi sa bahay.

Madami akong gustong itanong ngunit nanahimik nalang muna ako at piniling mag obserba. Kinabukasan, pag gising ko ay umiiyak na si kuya Lester at Ate Vanesa. Tinanong ko kung anong nangyari at sinabi nilang wala na si mommy at daddy. Nagpantig ang mga tenga ko non sa narinig ko. Paano mangyayari iyon samantalang kasama lang namin sila kagabi. At biglang naalala ko na may sumusunod nga pala sa amin kagabi. Ang daming tanong sa isipan ko ngunit wala ako makuhang sagot sa kanila dahil 'di na makausap si ate at kuya.

Nagtataka at nagagalit na ako sa kanila dahil ni hindi kami pumunta sa pulis upang personal na paimbestigahan ang nagyare kay mommy at daddy. Tanging sa TV lang kami nakakakuha ng impormasyon tungkol sa nangyari sa kanila. Naiinis na ako dahil feeling ko may alam sila at di nila sinasabi sa akin. Nararamdaman kong naaoutcast ako sa pamilyang 'to.

Sa edad kong ito,19 years old na ako yet tinuturing parin nila akong bata. Dahil ba bunso ako kaya di nila ako kayang pagkatiwalaan? Ilang araw ko din silang di pinapansin dahil paulit ulit ko na sinasabi sa kanila na pumunta kami sa pulis o kaya puntahan namin sila mommy at daddy kung nasan man sila pero wala lang silang imik at kibo hanggang nagsawa na ako sa pangungulit. Kung ayaw nila at mukhang wala na silang pake sa mga magulang namin pwes ako hindi. Ako ang pupunta sa kanila. Ngunit bago pa man ako makaalis ay pinigilan ako ni ate Vanesa at niyakap. Sinabi nya sa akin na delikado daw dahil maaaring hinahanap din kami ng mga pumatay kila mommy and daddy. Sinabi nya din sa akin na alam nyang marami akong tanong pero hindi pa daw ito ang tamang oras para malaman ko ang lahat. Kahit naiinis parin ako ay sumunod nalang ako kay ate Vanesa.

Isang linggo na noon ang nakalipas at narito parin kami sa hotel. Ang lungkot ng aura ng room namin noon. Nung gabing yon din ay isang balita ang kinagulat namin dahil sa isang pagsabog umano ang naganap sa isang laboratory kung saan dating nagtatrabaho ang mga magulang namin. Scientist si mommy and daddy at ang lugar kung saan may naganap na pagsabog ay ang mismong laboratory kung saan nakaassign sila.

The Recreation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon