WHO ARE YOU Part II
Sean's Point of View
Toot. Toot. Toot. Toot
Nagising ako sa tunog na iyon. Ang sakit ng mata ko. Iminulat ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang paligid. Ang liwanag naman dito at ang puti ng paligid. Sinubukan kong mag unat, alam niyo na habbits tuwing kagigising.
"Arayy" bakit hindi ko masyado maigalaw ang katawan ko. Ang sakit, sinuri ko ang katawan ko at nagulat ako ng may makita akong mga kadena na nakagapos sa buo kong katawan. Anong nangyayari, nasaan ako? May mga nakita din akong kagat sa iba't ibang parte ng katawan ko.
Teka. Kagat? Ow shit. Naalala ko na, inatake kami ng mga zombies sa pantalan kung saan napatay nila si Gerald. Iniwanan kami ni Gavin at.....
At nakagat si Chuck at Sab. Nanlaki bigla ang mga mata ko. Hinanap ko si Chuck at Sab sa paligid pero ako lang ang tao. Anong nangyari sa kaila? Naging zombie na ba sila? Isa pa paano ako napunta dito, sa laboratoryo ni Professor?
Napapikit nalang ako dahil biglang may kumirot sa tagiliran ko. Nanlalambot ako ngayon.
"Sean?" napatingin ako sa nagsalita. Nagtama ang mga mata at nabasa ko ang iniisip niya. Pag aalala, takot at saya ang lumalabas sa isipan niya.
"Gising ka na! Professor, gising na po si Sean!" sinubukan kong tumayo at habulin siya pero nakatakbo na siya agad. "Jasmin!" ni hindi ko iyon mabigkas dahil hirap parin ako.
Ilang minuto pa ay bumukas na ang pinto at nakita ko si Professor na papalapit sa akin. Teka, si Jasmin?
"Sean, hijo. Mabuti at gising ka na."
"P-prof.." pinipilit kong magsalita pero hirap talaga ako.
"Wag ka na munang magsalita hijo. Masyado pang mahina ang katawan mo. Kailangan mo pang magpahinga." gusto ko sana siyang tanungin kong anong nangyari sa akin at bakit ako nakakadena. Kaya naman ginamit ko nalang ang mga mata ko para ituro ang mga nakagapos sa akin. Mukhang naintindihan naman ni Professor.
"Bukas na ipaliwanag sa iyo ng mga kaibigan mo. Magpahinga ka pa ha? Ang mahalaga ngayon ay gising ka na." pagkatapos noon ay iniwan na ako ni Professor.
Teka lang naman, kahit si Jasmin lang. Gusto ko siyang makita. Ngunit sumara na ang pinto at naiwan nanaman akong mag isa dito.
Medyo nakaramdam naman ako ng antok kahit na kakagising ko lang. Marahil ay dahil sa sakit ng katawan ko ngayon. Naalala ko, huling beses na nagkaganito ako ay noong nabugbog ako sa practice namin noon ni Tito. Bigla ko siyang namiss. Ang mga kwentuhan namin ni Tito at kulitan. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Kung nasaan ka man ngayon Tito ay sana masaya at payapa ka na diyan. Tuluyan na ding pumikit ang mga mata ko at nakatulog na.
Toot. Toot. Toot. Toot.
Nagising ako sa tunog na iyon. Ang sakit ng mata ko. Iminulat ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang paligid. Ang liwanag naman dito at ang puti ng paligid. Sinubukan kong mag unat, alam niyo na habbits tuwing kagigising.
"Aray" teka Dejavu ba ito? Kahapon walang sounds ang aray ko pero ngayon meron na. Pasaway.
Hindi na rin ganoon kasakit ang katawan ko kumpara kahapon pero naiilang ako dito sa kadena na nakagapos sa akin. Bakit ba kase ako nakakadena.
"Sean?" napatingin ako sa nagsalita.
"Jared! Gising na si Sean!" akmang tatakbo nanaman siya paalis pero tinawag ko siya.
"Jasmin!"
Napatigil siya sa kinatatayuan niya. Ilang segundo siyang nakatingin sa akin. Nginitian ko siya, ngunit sa halip na ngitian ako pabalik ay luha ang ibinigay niya. Sunod- sunod na mga luha ang kumawala sa mga mata niya. Dali-dali siyang lumapit sa akin at bigla akong niyakap ng sobrang higpit.
BINABASA MO ANG
The Recreation (COMPLETED)
HororThe rise of a virus that no one had prepared for. A massive destruction in buildings, economies and life all over the world. In just one week. What could we possible do in this kind of situation. Would the world be back again to the old way it used...
