CHAPTER 17

78 11 0
                                    

WHO ARE YOU

                 Sean's Point of View

Dalawang araw na ang nakalipas simula noong sinabi ko kay Jasmin ang nararamdaman ko sa kanya. Sa totoo lang ay kakaibang kaba ang dinadamdam ko noong gabi na iyon. Marami akong inihandang mabubulaklak na salita na prinaktis ko ng husto, pero tama nga ang sabi ng iba na kahit gaano ka kaprepared kapag inunahan ka ng kaba ay wala rin.

Kung ano nalang ang lumabas sa bibig ko ay yon nalang ang nasabi ko. Sobrang layo sa inihanda ko, tsk. Pero ang mahalaga ngayon ay nasabi ko na at pumayag na siya na ligawan ko siya. Wala talaga akong alam sa mga ganitong bagay dahil nga first time ko itong gagawin.

Kahapon, pagkagising niya ay isang coffee and bread in bed agad ang nabungaran niya. Wala kaming maraming supply ng bigas kaya coffee muna. Haha.

Medyo naiilang siya sa ginagawa ko. Akala niya ba siya lang? Sobrang naiilang din ako kaya lang, kailangan ko itong gawin. Para makamit ang matamis niyang oo. Korni. Haha

At ngayong araw naman ay medyo nalate ako ng gising kaya ayon hindi ko naabutan. Nasa laboratory na siya, hays. Pero may iniwang note.

Thank you pala sa breakfast in bed kahapon kahit kape at tinapay lang. I appreciate it. Hindi na pala kita gigisingin papunta na ako sa misyon ko, bye.

<3 <3

Hays, bakit may dalawang heart? Anong ibig sabihin non, bakit dalawa lang? Hindi ba't tatlo dapat para I LOVE YOU? Ay joke lang, mahal agad? Kakasimula lang manligaw haha. Pero kinilig ako. Mga konti lang.

Naghanda na rin ako para sa pagpunta namin ngayon sa pantalan. Tumigil lang muna kami noong pasko para sa celebration pero kahapon eh balik trabaho na ulit.

Nakakakaba yung part na papunta kami doon dahil hindi talaga safe. May mangilan ngilang zombie na nadadaanan. Pinapatay na rin namin agad dahil mahirap na baka masalisihan kami.

Kami ulit tatlo nila Sab at Jared ang magkasama sa kotse. Pinagkukwentuhan parin namin ang tungkol sa hope island. Interesting kase ang lugar na iyon.

"Gaano kalaki ang isla na iyon?"  tanong ko.

"Siguro nasa 1000sq meters ang area, nakalimutan ko kase ang exact sukat eh basta malapit lang don" paliwanag ni Jared.

"Malaki din pala, saktong sakto tayo doon" kumento naman ni Sab.

"Kaya lang, paano ang shelter natin? May mauuna ba para magtayo ng matutuluyan natin?" -ako.

"Actually, may rest house na doon na pwedeng tuluyan ng nasa 10 na katao and since nasa mahigit 20 tayo kaya need pa magconstruct ng iba pang tuluyan." -jared

"Saan tayo kukuha ng mga materyales na gagamitin?" -ako.

"Walang problema doon, matagal na kaming nag-iinventory ni Jared sa hardware sa baba ng mall. May plano at estimates na kami. Actually, all set na. Itong yacht nalang ang kulang para masimulan ang paglipat natin" -Sab.

"SERYOSO? ALL SET NA? " Nagulat talaga ako sa all set na at itong yacht nalang ang kulang. Wow, may plan at estimates na. Kaya bilib din talaga ako sa mga Civil Engineers eh. Hindi sila mawawalan ng plano ever. Haha.

"OA much?" -Sab.

"Eh kase naman, ang galing nyo" at nag slowmo clap ako para sa kanila.

"We know that already" sabay nilang sagot.

Nakarating naman kami ng matiwasay sa pantalan. Gaya ng unang araw namin ay itutuloy namin ang pagkumpuni. May mga kailangang iwelding kaya nagdala kami ng slightly soundless na generator na gawa naman ni Dan. Isa pang halimaw na accelerated na malakas mang alaska na batang iyon. Haha.

The Recreation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon