THE MISSION
Sean's Point of ViewKasalalukuyan kami ngayong naglalakad patungong laboratory. Ano kaya ang itsura noon, nacurios tuloy ako bigla. Hindi naman kami umiimik habang naglalakad. Napansin ko rin na hindi na ako masyadong kinikibo ni Jared simula kahapon. Kagaya nitong si Jasmin na mabuti nalang at magkaayos na kami.
Nang makarating kami sa third floor ay nagtaka naman kami ni Jasmin dahil wala namang kahit na anong pinto doon. Pinagtitripan lang ata kami ni Jared eh. Lalapitan ko na sana siya para kumprontahin ngunit bigla itong nagtungo sa tapat ng isang malaking painting at may pinindot sa likod. Awtomatiko naman itong gumalaw at lumikha ng isang lagusan. What the heck!
Napanganga nalang kami ni Jasmin sa nasaksihan namin. Nilingon kami ni Jared at napatawa ito ng makita ang mga reaksyon namin.
"Tuloy kayo sa aming munting laboratoryo" anyaya nya sa amin bago niya ilahad ang mga braso niya na tila pinapapasok na kami.
Mas napanganga pa kami noong tuluyan na kaming makapasok. Sobrang modern ng laboratory nila. Kung ikokompara mo ito sa mga napapanood sa hollywood science fiction movies ay talaga namang may laban. Sobrang linis, at napakaayos.
Agad naman kaming binati ni Professor na nasa harap na pala namin.
"Mabuti naman at narito na kayo. Halikayo, doon tayo mag-usap." pahayag ni Professor. Nagpaalam naman na sa amin si Jared dahil hinatid lang pala niya kami.
"Sige po" sumunod naman kami sa kanya. Binigyan niya kami ng maiinom at mauupuan.
Hindi ko naman mapigilang pagmasdan ang paligid. Namamangha parin ako.
"Paano po nagkaroon ng ganito kagandang laboratoryo dito?" tanong ko. Naintriga kase ako masyado eh.
"Ang gumawa ng plano nito ay si Jared at Sabrina. Sa interior naman ay sinabi ko lang ang mga kailangang ilagay at sila na rin ang nag ayos. Pagdating naman sa mga lightings at wire connection ay si Dan ang gumawa. Samantalang nagtulong tulong kaming lahat sa pagkalap ng mga materials at pagbuo nito" nakakabilib talaga silang lahat. Akalain mo nga naman na itong si Sabrina na laging bagsak noon sa Strength of Materials niya ay solid na ngayon sa pagpapatibay ng mga struktura. Walang duda naman na si Dan ang gumawa sa lights.
"Ang galing naman po nila." pagpupuri naman ni Jasmin.
"Maasahan talaga ang mga batang iyon, hija"
"Kaya ko kayo ipinatawag dito ay dahil may mahalaga akong misyon na ipapagawa sa inyo" panimula ni Professor sa pakay nya sa amin.
"Misyon po?" sabay nanamang tanong namin ni Jasmin. Nagkatinginan kami at napangiti sa isa't- isa. Cute niya talaga.
"Oo Hijo at Hija" natatawa niya ring sagot sa amin.
"Nabalitaan ko kase na Medical Student noon itong si Jasmin at ikaw din daw ang nagopera sa tatay mo noon at nailigtas mo siya, tama ba?"
Uh oh.
Napansin kong naging malungkot ang ekspresyon ni Jasmin ng marinig ang tungkol kay tito. Tumango nalang siya kay Professor.
"Naku, pasensya na Hija. Nabalitaan ko rin ang nangyari sa tatay mo, nakikiramay ako" dagdag naman ni Professor. Tinapik tapik ko nalang ang likod ni Jasmin.
"Salamat po. Ahmm, totoo po na ako ang nag opera noon kay tatay. Anong pong kinalaman noon sa misyon ko?" bigla namang naging seryoso ang itsura niya na tila interesado sa misyon na ibibigay sa kanya ni Professor.
"Nagcoconduct kase ako ng pag-aaral at pagsusuri sa mga labi ng mga zombie upang lutasin ang sakit at malaman kung paano ito masusugpo" bigla namang nanlaki ang mga mata ni Jasmin sa sinabi ni Professor.
BINABASA MO ANG
The Recreation (COMPLETED)
HorrorThe rise of a virus that no one had prepared for. A massive destruction in buildings, economies and life all over the world. In just one week. What could we possible do in this kind of situation. Would the world be back again to the old way it used...