Sean' Point of View
"Ako nga pala si.. Woah woah" di niya na natapos ang sasabihin niya dahil itinutok ko na sa kaniya ang sumpit ko. Nakalabas na rin ang samurai ni Jasmin.
Naalarma naman yung dalawa niyang kasama kaya napabunot na rin sila ng mga sandata nila. Napatingin naman ako sa hinugot nung lalaki sa bulsa niya, kamay lang pala. Makikipag shakehands lang ata sana siya.
"W-wala kang baril?" tanong ko.
"Ha? Anong baril? Ahh akala niyo baril ang laman ng bulsa ko?" pagtatanong nung lalaki.
Nahihiya naman akong napatungo. They saved us yet we doubt them.
" Akala kase namin.." binaba ko na ang sumpit ko. Hinawakan ko na rin ang braso ni Jasmin upang ibaba ito.
"Akala niyo sasaktan namin kayo?" medyo naiinis ng tugon nung lalaki.
"Pasensya na. Mahirap na kaseng magtiwala ngayon. Trinaydor rin kase kami kanina lang nung pinagkatiwalaan naming tao. Kaya di namin maiwasang mag alangan. Sorry talaga." sabi ko. Napabuntong hininga nalang siya pagkatapos ay umaliwalas na ulit ang mukha. Binaba narin ng mga kasama niya ang mga baril nila.
"Sabagay, mahirap na talaga magtiwala ngayon. Ako nga pala si Jared. And just to make things clear, wala kaming masamang balak sa inyo. We just wanna help" pagpapakilala nito. Inilahad din niya ang kamay niya na tinanggap ko naman. Nagshakehands kami.
"I'm Sean, nice to meet you!"
Ipinakilala din naman ni Jared ang mga kasama niya na si Dan at si Chuck. Nagningning naman ang mga mata nila ng ipakilala ko si Jasmin. For your information, akin na yan! Tsk.
"Ano palang ginagawa niyo dito sa hospital?" tanong ni Chuck habang naglalakad na kami paalis ng hospital. Siya yung medyo chubby.
"Nabaril kase si tito ng mga bandido kanina kaya kailangan siyang maoperahan" sagot ko naman.
"Ano? Mga tao ang bumaril sa tito mo? Bakit naman?" tanong niya ulit.
"Hindi, zombie ang bumaril" sabat naman ni Dan. Siya naman iyong medyo pilyo sa kanila, mas bata ito sa amin. Siguro ay 15 palang siya.
"Ikaw talaga napakapilosopo mo" babatukan sana siya ni Chuck ngunit nakatakbo ito. Napatawa naman kami sa kulit nilang dalawa.
"Mauna na kami sa inyo ha. Kailangan na kase talaga ni tatay maoperahan eh." finally nagsalita na rin si Jasmin. Kanina pa kase siya walang imik.
Hinawakan na ako ni Jasmin sa damit at hinila na ngunit hindi pa man kami nakakalayo ay biglang nagsalita si Jared.
"Ahhm ano, wait. Medyo delikado kase kung magbabyahe kami ngayon pauwi ng Maynila, p-pwede ba kaming makituloy sa inyo ngayong gabi?" nahihiya nitong sabi.
Nagkatinginan naman kami ni Jasmin. Wala ako sa lugar upang magdecide sa bagay na ito kaya ipapaubaya ko na kay Jasmin ang pasya.
"Kakapalan ko na ang mukha ko. You owe us one at kapag pumayag kayo na tumuloy kami sa inyo, kwits na tayo. Please." dagdag pa ni Jared.
Kung ako lang ang tatanungin ay papayag ako na tumuloy sila dahil iniligtas nila kami. Ngunit si Jasmin sa ngayon ang inaalala ko kaya siya na ang bahala. Nakatingin lang ako ngayon sa mata niya at napangiti ng mabasa ang iniisip niya.
"Okay" at ngumiti si Jasmin sa kanila. Napangiti na rin silang tatlo na tila nabuhayan ng loob.
"Yung motor kase namin ay sa labasan nakaparada. Doon nalang tayo magkita at sabay na tayong magtungo sa tinutuluyan namin." ako na ang nagpaliwanag sa gagawin namin. Tumango naman sila at naghiwalay na ng landas.
BINABASA MO ANG
The Recreation (COMPLETED)
HorrorThe rise of a virus that no one had prepared for. A massive destruction in buildings, economies and life all over the world. In just one week. What could we possible do in this kind of situation. Would the world be back again to the old way it used...