WILL YOU?
Jasmin's Point of View
Nakakahiya! Bwiset na lalaking iyon. Sa reaksyon niya kanina, parang hindi talaga siya aware na nagseselos ako. Ang manhid niya. Paano na ako haharap ngayon sa kanila? Sana lamunin na po ako ng lupa ngayon. Huhu. Nagsabi nalang ako kay Dan na masama ang pakiramdam ko at magpapahinga muna sa kwarto.
Agad akong dumapa sa kama ko upang ibaon ang ulo ko sa unan. Nakakahiya talaga, bakit ko ba sinabi iyon. Ibig bang sabihin non parang umamin na rin ako na gusto ko siya? No!!!!
"Ha? Masama daw ang pakiramdam niya?" teka, boses ni Sean iyon ah.
"Oo daw, napansin ko din na namumutla siya. " narinig ko namang sagot ni Dan, masama ang kutob ko dito.
"Sabi niya sa kwarto daw muna siya? O sige ako na bahala, salamat pare" yun ang huling salita ni Sean at narinig ko na ang mga yabag ng paa niya.
Sean, seriously? After what happened kanina, lalapitan mo nanaman ako? Hindi pa ako handang makaharap siya, I need plan. Agad akong umayos ng pagkahiga at umarte na natutulog. Narinig ko nang bumukas ang pinto.
"Jasmin, masama daw pakiramdam mo..." napatigil siya ng mapansin na tulog ako. Nagkunwari naman akong humihilik para effective.
"Ang bilis mo naman makatulog..." umupo siya sa tabi ko. Ano ba, nakakainis. "...paano ba ito?"
Narinig kong may kinuha siya na kung ano. Maya maya pa ay napansin kong tumayo na siya. Sa wakas aalis na din.
"Pagaling ka ha."
Teka ilang minuto na pero hindi ko parin naririnig ang pagbukas ng pinto, nandito pa ba siya? Pagod na akong maghilik-hilikan dito ha. Narinig ko naman siyang huminga ng malalim.
"Hindi ko na alam ang gagawin sa iyo, masyado ka ng perfect. Kahit tulog maganda parin" pagkasabi niyang iyon ay bumukas na ang pinto at umalis na siya.
Dug. Dug. Dug. Dug
What did he just say? Sinabi niya bang maganda ako? Kahit tulog? Ang manyak niya ha, pero parang tanga talaga yon. Bakit ka ba kinikilig sa sinabi niya. Biglang nawala ang inis ko sa kanya at nagpagulong gulong sa kama, bakit niya ba sinabi iyon. Patuloy parin ako sa paggulong kaya naman bigla akong nahulog sa kama.
"Aray" ang sakit ng likod ko. Nakalimutan ko single bed lang nga pala itong kama. Nawala bigla ang kilig dahil sa sakit ng pagbagsak. Ang sakit talaga pag nahulog ka tapos walang sumalo sa'yo, charot.
Naupo ako sa kama at napansin ang isang basong tubig at isang medicine tablet na nakapatong sa sticky note.
Please take this medicine pag nagising ka, okay? Magpahinga ka na muna, kami na ang bahala sa preparation.
-Sean.
Bakit ba kahit simpleng note lang iyon ay kinikilig na ako. Malamang pag kaharap ko siya ay hindi ko ipinapahalata kapag kinikilig ako, madalas minamalditahan ko siya para hindi niya mahalata.
Bigla naman akong naguilty na hindi ako makakatulong sa preparation, baka kase isipin nila na nag aarte lang ako kapag bigla akong sumulpot doon kaya papanindigan ko nalang itong sakit sakitan ko. Hindi ko naman namalayan na nakatulog na ako kakamuni-muni.
"Merry Christmas, Jasmin!!" nagising ako sa lakas ng boses na iyon ni Jared at Sabrina. Napabangon ako ng wala sa oras. Napatingin naman ako sa orasan and, shocks 12 midnight na. Pasko na!
Napatingin naman ako sa kanilang dalawa. Naconcious ako bigla sa itsura ko kaya naman nag ayos ako agad ng buhok.
"Merry Christmas din" yun nalang ang nasabi ko sabay ngiti.
BINABASA MO ANG
The Recreation (COMPLETED)
HorrorThe rise of a virus that no one had prepared for. A massive destruction in buildings, economies and life all over the world. In just one week. What could we possible do in this kind of situation. Would the world be back again to the old way it used...
