CHAPTER 7

96 14 0
                                    

NEW FOUND HOME            
               Sean' Point of View

Tahimik lamang kami ngayon sa byahe. Walang ni isa sa amin ang may ganang magsalita. Habang si Tito ay busy sa pagmamaneho, si Jasmin at Edward naman ay mga tulala. Ako naman ay nagoobserba sa paligid. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang bahay nila Tito na nilisan namin. Kung ako nga na halos isang buwan lamang doon tumira ay sobrang lungkot ngayon dahil sa nangyari, paano pa kaya sila na sobrang tagal na doon. Lalo na si Jasmin na doon na lumaki at nagkamuwang, sigurado akong napakarami niyang masasayang ala-ala doon kasama ang kaniyang pamilya.

Napatingin ako sa direksyon ni niya at halata mo parin na malungkot siya at dinadamdam ang katotohanan na di na kami maaaring bumalik doon.

Napansin ko namang pagod na si tito sa pagmamaneho dahil halos tatlong oras na kaming nagbabyahe. Nagpaalam ako kay tito na ako na muna ang magdrive upang makapagpahinga na siya. Maghahating gabi na din at siguradong inaantok na siya. Pumayag naman si tito at agad inihinto ang kotse sa tabing kalsada.

Lumabas na si tito at ganoon din naman ako. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa sobrang lamig na hangin ang sumalubong sa aking paglabas. Ang lamig sobra. Nagulat naman si Jasmin at Edward noong huminto at bumaba kami ni tito sa kotse. Hindi nila siguro narinig ang pag-uusap namin ni tito kanina dahil mga tulala parin sila. Kinausap ni tito si Jasmin na lumipat sa likod upang matabihan ako at magabayan sa pagdrive. Agad naman itong sumunod at lumipat ng pwesto. Sinenyasan naman ako ni tito na okay na kaya pumasok na ako sa loob ng kotse. Agad kong pinaandar ito at nagmaneho na.

"Tito saan po pala tayo pupunta?" tanong ko habang nagmamaneho.

"Iniisip ko na sa Laguna muna tayo. Alam kong walang kasiguraduhan kung ano ang dadatnan natin doon. Siguro naman hindi gaano kalala ang sitwasyon doon dahil medyo probinsya na din." paliwanag ni tito.

"Saang part po tayo sa Laguna, Tito?" pahabol kong tanong.

"Hindi ko rin alam eh. Ikaw na ang bahala Sean. May tiwala naman ako sayo. Iidlip muna ako saglit ha. Magrecharge lang muna ako kahit konting oras."

Ramdam na sa boses ni Tito ang pagod. Kaya naman tumango nalang ako sa kaniya at hinayaan na siyang magpahinga at matulog. Si Jasmin at Edward naman ay mga tulog na rin.

Hindi ko kabisado ang Laguna kase once lang kami nagawi dito dati nila mommy at para lamang iyon magswimming. Malaking lalawigan din ang Laguna kaya saan naman kaya ako magtutungo.

Binuksan ko ang GPS and thankfully gumagana pa ito. Agad kong isinet ito sa laguna. Bahala na kung saan kami dalahin nitong GPS na ito basta kailangan namin makahanap ng bagong lugar na ligtas para sa amin.

In the end, hindi ko rin nasunod ng mabuti ang GPS. Marami rami rin akong nakitang zombie sa mga di kalayuan kaya agad akong umaatras at umaalis sa lugar. Mag aalas kwatro na ng umaga ngunit narito parin kami sa kalsada at patuloy parin akong naghahanap ng lugar na malilipatan. Pagod na rin ako at inaantok na. Mabuti na lamang at marami itong gasolina na inipon namin noon dahil kung hindi ay baka kung saan pa kami itirik nito ngayon.

Sumisikat na ang araw at kasabay nito ay napabaling ang mga mata ko sa kanang bahagi ko. Napangiti naman ako sa nakita ko.

"I think we're here" kahit na hindi sigurado kung ligtas nga dito ay di ko mapigilang huminto. Tila hinihila ako ng bahay na nasa harapan namin ngayon. Sobrang ganda nito at isang modern house. Bago tuluyang makapasok sa bakuran nito ay may matataas na pader na bakod. Napakaganda ng bahay na ito na tila isang napakayamang pamilya ang may ari.

Mukhang nagising naman si tito noong magsalita ako. Kaya heto ngayon siya at nag uunat-unat na. "May nahanap ka ba, sean?" pahikab hikab nitong tanong.

The Recreation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon