CHAPTER 8

98 15 0
                                    


 
             Sean's Point of View

Naging maayos ang pamamalagi namin sa bagong bahay na nilipatan namin. Mag iisang linggo na ang nakalipas noong lisanin namin ang Cavite. Nakakarecover na din si Edward sa nangyari sa kaniyang ina. Sa totoo lang ay hindi talaga madaling tanggapin na nawalan tayo ng mahal sa buhay. Sa ngayon ay nasa healing process parin ako sa nangyari sa aking pamilya na sunod sunod na namatay.

Nagpapasalamat parin ako na natagpuan ako ni Jasmin noon at iniligtas, dahil kung hindi ay maaaring nagmumukmok parin ako at umiiyak gabi gabi o malamang ay matagal ng patay at naging zombie na.

Narito ako ngayon sa likod ng bahay. Nakakatuwa na may swimming pool dito. Mag iisang linggo ko na din kinukumpuni ang makina nito dahil sira. Kailangan kaseng palitan ang tubig nito dahil sobrang dumi na. Ito na ang naging pampalipas oras ko dito. Minsan ay tumutulong si tito at nakikipagkwentuhan sa akin. Sobrang close ko na kay tito. Ama na talaga ang  turing ko sa kanya at alam kong itinuturing din niya akong anak. Sa ikalawang pagkakataon ay nagkaroon ako ng ama kaya naman gagawin ko ang lahat upang walang kahit na anong mangyari sa kaniya na masama.

Si Jasmin at Edward naman ay walang humpay sa pag-uusap. Hindi ba sila nauubusan ng topic? Pumapangit lamang ang mood ko lagi kapag nakikita silang masayang nag-uusap at nagtatawanan kaya mabuti nang dito ako sa likod. Kahit papaano ay nawawala sila sa isipan ko. Masaya ko noong ibinalita kay Jasmin na muli kong bubuhayin ang swimming pool para makapag swimming naman kami ngunit hindi siya naniniwala na maaayos ko ito. Wait and see, baka magulat ka. Haha.

Sobrang yaman talaga ng may ari nitong bahay na ito dahil meron silang solar pannels sa bubong. Two days after naming dumating dito tsaka ko ito nadiskubre. Minor lang naman ang sira kaya madali ko itong naayos. Hindi na kami nahihirapan sa gabi dahil may ilaw na kami. Sinubukan namin na manood sa TV dahil nagbabaka sakali kaming may mabuting balitang mapapanood ngunit shutdown lahat ng channel. Over consuming lamang ito ng energy kaya hindi na ulit namin binuksan.

"Hijo, ito ang tubig magpahinga ka muna kanina pa ka pa diyan eh. Pasensya na wala tayong juice" natatawang alok ni tito sa akin.

Agad naman akong pumunta sa kaniya at uminom ng tubig.

"Salamat po tito. Alam mo tito, tingin ko po maaayos ko na ito hanggang bukas." pagmamalaki kong sabi.

"Talaga? Pinapabilib mo talaga akong bata ka. Ikaw na ang the best mechanical Engineer na nakilala ko." pagbibiro ni tito.

"Naku tito, bolero ka talaga. Tsaka Engineering lang po ako hindi pa Engineer. Haha" nakangiti kong tugon.

"Parehas lang 'yon." sabi niya at nagtawanan kami.

"Tito si Jasmin anong ginagawa?" pag iiba ko ng topic.

Pinaningkitan naman ako ni tito ng mata na tila nagdududa.

"I mean sila ni Edward, ano pong ginagawa nila?" bigla akong kinabahan sa tingin niya.

"May gusto ka ba sa anak ko?" tahasang tanong ni tito.

Biglang nanginig ang buong katawan ko sa tanong na iyon niya. Anong sasabihin ko. Bakit biglang naging seryoso ang mukha ni tito. Anong sasabihin ko? Hindi ako makasagot sa tanong niya.

Bigla naman akong napahinga ng malalim noong ngumiti si tito at tumawa ng malakas habang tinatapik tapik ang balikat ko.

"Anong klaseng mukha yan Sean. Mukha kang natatae" pang aasar niya sa akin.

"Tito naman eh. Bakit kase kayo biglang sumeryoso ng mukha. Kinabahan ako" sabay suntok ng mahina sa braso niya. Ganto na ako kalapit kay tito na nasusuntok suntok ko na siya sa balikat haha.

The Recreation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon