YOU SHOULD NOT DO THAT
Sean's Point of View
"Kong?" hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga.
"Kilala mo ako? At sino ka namang nilalang ka. Di kita kilala" maangas na tugon niya.
"Hayop ka! Paano mo iyon nagawa kay ate?!" galit kong sagot sa kaniya. Nabubuhay nanaman ang galit sa puso ko. Alam kong konti nalang at lalabas na ang mga balahibo ko sa katawan. Ngunit bago pa man ako magtransform ay biglang nakaramdam ako ng panghihina. Napatingin ako sa braso ko.
"Professor? Bakit?" nanghihina kong sambit. Paano kase, tinurukan niya ako ng pampatulog. Paano ko sila ngayon maipagtatanggol sa mga ito. Wala kaming laban lalo at si Professor, teka. Asan si Jasmin at Jared?
"Not now" narinig ko namang bulong ni Professor. Anong plano niya? Bakit not now? Si Jasminnn. At tuluyan na akong nawalan ng ulirat.
.........
"T*ng*na naman Gavin, pano mo nagawa sa amin ito?" medyo nagising ako sa ingay na iyon na mula sa boses ni Jared.
"Sorry talaga, wala na kase akong mapuntahan noon. Hindi ko alam kung paano haharapin sila Professor at ibalita ang naganap. Kaya umiba ako ng daan at nakita nila ako." medyo naiiyak na sagot ni Gavin.
"Nakita ka lang naman pala. Bakit mo pa sinabing may kasama tayong scientist?" nanggigigil na tanong ni Jared. Hindi muna ako nagmulat ng mata dahil baka tumigil sila sa pag uusap.
"Sinabi nilang papataying nila ako kapag wala akong masasabing mahalagang impormasyon. Sorry talaga!"
"Haissst. Ano pang magagawa natin, nandiyan na yan" sabi ni Jared. Nagmulat na ako ng mata.
"Psst. Psst." sinitsitan ko silang dalawa ng mahina upang walang makarinig na iba o makahalata. Agad naman silang napatingin sa kinaroroonan ko.
"SEAN!" sigaw ni Jared. Tinakpan naman agad ni Gavin ang bibig ni Jared.
"Wag kang maingay! Baka marinig tayo" paalala ni Gavin. Mukhang natauhan naman si Jared kaya huminahon ito bigla.
"Sean, tulungan mo kami. Kailangan na nating makaalis dito" bungad sa akin ni Jared. Wala man lang hi.
"Oo alam ko. Kaso nasan tayo?" tanong ko sa kanila. Hindi na ito ang laboratory. Huli kong naalala ay may itinurok sa akin si Professor at nawalan na ako ng malay.
"Narito tayo sa pinagmulan ng lahat. Ang sumabog na laboratoryo" sagot ni Gavin.
"Paano tayo makakaalis dito? Tsaka asan si Professor?" paano kami makakaalis eh nakagapos kaming tatlo.
"Ano ka ba Sean! Magtransform ka into half wolf para makaalis na tayo dito." medyo iritadong sagot ni Jared. Akala niya ata nakalimutan kong kaya kong magtransform.
"Ha? Anong magtransform si Sean into half wolf?" gulat na tanong ni Gavin. Malamang hindi niya alam dahil iniwanan niya kami noon sa pantalan.
"After na ang explanation. Ano Sean,gawin mo na." sabi ni Jared.
"Hindi pwede. Delikado diba? Sabi niyo noon hindi ko kontrolado ang sarili ko kapag monster ako" paliwanag ko naman sa kaniya.
"Naniniwala ako sa iyo Sean. Hindi mo kami sinaktan noon sa Pier kaya siguradong hindi rin ngayon"
"Pero.." magdadahilan pa sana ako kaso pinutol agad ni Jared. Hindi naman ako basta basta padalos dalos lalo na sa sitwasyon ngayon.
"Habang tumatagal ay mas nanganganib ang mga buhay natin. Tignan mo sila(may itinuro siya) , kapag nagkamali sila. Siguradong mapapahamak sila" agad naman akong napahila sa gapos ko ng makita ang itiniro niya. Si Professor yon at si Jasmin. Bakit pati si Jasmin nadamay?
BINABASA MO ANG
The Recreation (COMPLETED)
TerrorThe rise of a virus that no one had prepared for. A massive destruction in buildings, economies and life all over the world. In just one week. What could we possible do in this kind of situation. Would the world be back again to the old way it used...