SIMULA NG WAKAS
Jasmin's Point of View
"Kailangan na nating magtungo sa labasan. Dun natin iintayin si Sean!" agad naman kaming kumilos matapos makapagplano.
Kailangan namin maging maingat lalo at malalim na ang gabi. Medyo mahihirapan kaming gumalaw.
Dahan dahan ang lakad namin. Bumuo kami ng bilog na shape para aware kami sa buong paligid. Hindi kami maaaring magpadalos dalos dahil kahit isa lang sa amin ang mainjured ay mahihirapan kami. Oo nga at immune na kami sa virus pero hindi ibig sabihin noon ay immune na rin kami sa cravings ng mga zombies. Maaari parin nila kaming kainin at patayin.
Narito kami ngayon sa second floor at may nakita kaming pintuan, ito ay nakakonekta sa main entrance. Chineck pa muna naming mabuti ang paligid para siguraduhing walang zombie sa paligid.
"Pre, ano ayos na jan?" tanong ni Jared kay Dan.
"Oo okay na. Bubuksan ko na ba?" paninigurado ni Dan.
"Oo para makalabas na tayo dito."
Humanda na kaming lahat. Binantayan namin ang paligid habang pinipilit sirain ni Dan ang doorknob dahil nakalock ito. Ilang saglit lang din naman at nasira niya na ito at nabuksan
"Agrhh.warhj. aghhh"
"Zombies! Maraming zombies! Ahhh!" natatarantang mga salita ni Dan. Ang dami ngang zombie.
Wrong move. Agad kaming lumayo sa pinto at nagsitakbuhan. Hindi namin sila kaya. Masyadong marami, mahigit dalawampu.
"Ahhhhh" nagulat kaming lahat kay Chuck ng sumigaw ito. Nabulahaw ata ang mga zombies dahil sa sigaw ni Dan at Chuck at ingay ng pagsira sa doorknob kaya nagising silang lahat.
Maraming mga umaakyat galing sa first floor at may mga bumababa galing asa thrid floor.
Tila nawalan kami ng koneksyon ng sabay sabay kaming tumakbo sa iba't ibang parte nitong laboratory.
Tanging si Dan lang ngayon ang nakasama ko dahil kapit na kapit siya kanina pa sa braso ko. Nanginginig siya, naiintindihan ko naman dahil masyado pa siyang bata.
"Jasmin, huwag mo akong iwan. Ayoko makain ng zombies" natatawa ako ngayon sa ekspresyon ni Dan. Nagmamakaawa na siya sa takot.
"Huwag kang mag alala. Hanggat kasama mo ako, gagawin ko ang lahat para maligtas ka ha?" seryoso ko nalang na tugon sa kanya.
Hindi din talaga ako papayag na may mangyaring masama sa kahit na sino amin na nandito. Lalabas kaming lahat dito ng ligtas.
"Ahhhh!"
Bigla namang may sumigaw sa kabilang parte kaya agad kaming napasilip sa kinatataguan namin.
"Si Gavin!"
Lalabas na sana kami upang tulungan siya pero napabalik kami ng biglang dumami ang zombie. Nakatore siya sa isang cabinet ngayon.
Nagtulong tulong naman ang mga zombies para itulak ang cabinet at nagtagumpay.
"Ahhhh, tulong. Ahhhhh. Arayy!!"
Napatakip nalang kami ni Dan sa bibig namin habang nanonood sa nangyayari. Wala na siya. Patay na si Gavin.
Agad na kaming umalis habang busy pa ang mga zombies. Si Jared at Chuck kailangan namin makita.
Nakarating kami sa isang madilim na parte. Walang ilaw. Buti nalang at may dalang flashlights si Dan. Dito rin namin nakitang pumasok sila Jared kaya sumunod kami.
"Jared, Chuck. San kayo?"
"Mga pre, san kayo?"
Halos pabulong naming tawag sa kanila. Itong kasama kong si Dan para palang si Sean. Matatakutin sa dilim.
BINABASA MO ANG
The Recreation (COMPLETED)
KorkuThe rise of a virus that no one had prepared for. A massive destruction in buildings, economies and life all over the world. In just one week. What could we possible do in this kind of situation. Would the world be back again to the old way it used...
