SAFE PLACE
Jasmin's Point of View
Meron siyang hindi nalalaman sa akin,
Takot man ako sa heights walang magagawa dahil nandito na,
Napatigil ako sa pag iyak ng biglang.. Kumakanta ba siya?
Magkahalong kaba at pananabik ang tuntungang bumuhat sa amin,
Hindi ko alam na marunong siyang kumanta at ganda ng boses niya.
Kailanman ay hindi niya alam 'Di pa umaangat loob ko'y nahulog na.
Sa piling mo ay nalulula unti-unti ring nasasanay,
Sa piling mo ay nalulula ngunit parang ayoko na yatang bumaba.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay unti- unti na akong kumakalma. Kung kanina ay humikbi ako sa pag iyak, ngayon ay hindi na.
Hanging kay lamig ay may binubulong sa'yo
Sigaw ng damdamin ay mas tahimik pa sa hating gabi
Tahimik na ako ngayon na nakikinig sa pagkanta niya. Gumagaan na ang pakiramdam ko. Tila dinadalaw na ako ng antok.
Ang mundo ay ating minasdan habang oras ay bumabagal
Gusto ko pang marinig ang boses niya na nagpapakalma sa akin ngayon.
Parang ang lahat ay guminto larawang dinadala nitong isip ko
Sa piling mo ay nalulula unti-unti ring nasasanay,
Sa piling mo ay nalulula ngunit parang ayoko na yatang bumaba.
Salamat Sean dahil nandiyan ka at hindi mo ako iniwan.....
Zzzzzzz
November 28, 2020
Ang lambot naman nitong unan ko ngayon ang sarap yakapin. Kaya naman mas hinigpitan ko pa ang pagyakap dito. Napasarap ata ang tulog ko kagabi. Teka, bakit parang gumagalaw itong unan ko? Iginala ko naman ang kamay ko sa unan na yakap yakap ko. Nakapikit parin ako dahil ninanamnam ko pa ang masarap kong tulog. May nakapa akong parang buhok, ha? Teddy? May malaking stuffed toy kase ako noon sa kwarto ko na lagi kong kasiping pagtulog at Teddy ang pangalan. Pero bakit parang lumiit ang ulo niya. Iginala ko pa kamay ko ng dumako ito sa ilong. Bakit iba na ang ilong nya parang sa tao. Tao? Tila nanigas naman ako sa pagkakahiga ng maalala ang nangyari kagabi.
Umiiyak ako ng biglang pumasok si Sean sa kwarto at kinomfort ako. Binigay niya ang kwintas ni tatay sa akin at kinantahan niya ako na naging dahilan ng antok ko kaya ako nakatulog.
"Hmmmmm" gumalaw itong kayakap ko na tila nag uunat na. Nakahawak parin ako sa ilong nitong kayakap ko ngayon at tila nagising dahil sa ginawa ko. No way, no way. Wag naman sanang siya itong katabi ko. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Please, please. Ngunit nanlaki lamang ang mga mata ko ng makitang nakatingin na din sya sa akin. Bigla ko siyang naitulak ng malakas kaya nalaglag siya sa kama.
"Ahhhhhh" pagkatulak ko sa kaniya ay napabangon naman ako para icheck siya.
"Naku Sean, pasensya na nagulat kase ako kaya kita natulak" nag aalala kong tanong. Nakita ko kase siyang nakahawak sa pwet nya na tumama sa sahig na parang nasaktan, napalakas ata ang tulak ko.
"Hindi okay, ay hindi, ano ah. Ibig kong sabihin ayos lang" natataranta din niyang sagot sa akin. Awkward naman kase talaga.
"Napasama ba ang bagsak mo? Patingin nga" bababa na sana ako sa kama upang icheck siya ngunit agad agad itong tumayo. Di siya mapakali sa tayo niya at ganoon din naman ako. Sino ba namang hindi mapapakali lalo nat magkatabi kayong natulog buong gabi. And take note magkayakap pa.
BINABASA MO ANG
The Recreation (COMPLETED)
HorrorThe rise of a virus that no one had prepared for. A massive destruction in buildings, economies and life all over the world. In just one week. What could we possible do in this kind of situation. Would the world be back again to the old way it used...