CHAPTER 3

261 21 0
                                        

ANG PAGLALAKBAY

              Sean's Point of View

Nagsimula na akong tumalikod sa bahay namin at lumakad. Ang daming patay na zombies sa paligid. Sila siguro yung mga pinagbabaril kagabi.

Biglang may malamig na hanging dumaan sa paligid dahilan upang tumaas ang mga balahibo ko. Natigilan ako sa kinatatayuan ko. Sa kagustuhan kong makatakas sa sakit at sa panganib na baka bumalik ang mga pumatay kay ate kagabi ay napagdesisyunan kong lisanin ang tahanan namin. Alam kong di ko ito napaghandaan at ni minsan di ko iniisip na lalabas muli ako ng bahay namin after ng nangyari kay kuya Lester.

--

"Sean tignan mo oh" masayang wika ni kuya sa akin. Habang winawagayway ang isang box ng chocolate.

Bigla namang nagningning ang mga mata ko sa aking nakita. Its been 2months na since I had one. Kaya sobrang saya ko.

"Wow chocolates! Siguradong matutuwa din si ate pag nakita nya to mamaya sa bahay" masayang wika ko.

"Sinabi mo pa, oh eto ipasok mo na ito sa kotse baka mawala pa eh " natatawa nyang sabi.

"Yes, Sir" agad kong kinuha kay kuya yung kahon. Sumaludo muna ako bago magtungo sa kotse.

Narito kami ngayon sa isang convenient store sa labasan lamang, naubos na kase ang stocks namin. Pati sa mga kapitbahay wala na kami makuha kase nakuha na namin. Wala naman na kaseng tao sa village namin maliban sa amin. After kase ng atake ng mga zombies noon sa lugar ay umalis na ang mga survivors maliban lang sa aming tatlo.

Halos mapuno na ang kotse sa dami naming nakuha ngayong araw. Aabot siguro ito ng dalawang buwan pa. Kumuha ako ng isa pang basket at masayang bumalik sa kinaroroonan ni kuya ngunit bigla ko itong nabitawan ng makitang nakahandusay si kuya sa lapag at namimilipit sa sakit. Habang sa tabi niya ay may isang zombie na basag na ang ulo at labas na ang utak dahil sa baseball bat na pinalo ni kuya dito. Agad akong lumapit kay kuya at automatic na umagos ang mga luha ko.

"Kuya..." di ko na alam ang gagawin ko ngayon. Nakagat siya. Hindi maaari.

"Bunso iuwi mo na ako. Kailangan kong makita at makausap si Ate Vanessa sa huling pagkakataon" nahihirapan nyang sabi.

Sunod sunod na tango naman ang ginawa ko at inalalayan sya. Ako na ang nagdrive pauwi. Di ko alam kung paano kami nakabalik ng bahay ng sobrang bilis.

Malayo pa lamang ay agad na kaming sinalubong ng ngiti ni ate ngunit bigla itong napawi ng makitang umiiyak ako. Agad nitong binuksan ang pinto at biglang napatakip ng bibig noong makita si kuya. Tumulo na din ang luha nito at niyakap si kuya.

"Anong nangyari? Bakit ka may kagat ng zombie? halika sa loob gagamutin kita" dali daling inalalayan ni ate si kuya papasok ngunit pinigilan siya ni kuya.

"Alam mong walang lunas dito" sabay angat ng kanyang tshirt upang ipakita ang kagat ng zombie.

Napahagulhol na kami ni ate.

"Ikaw na ang bahala kay bunso, sorry Ate kung mauuna na ako sa inyo ni  Sean ha, at ikaw naman. Wag makulit kay ate ha? Mag iingat kayo" pamamaalam nya.

Niyakap nya kami ni Ate habang nag iiyakan. Hindi ko kayang tanggapin ang mga sinabi nya. Bakit ba sya ganyan, mabubuhay pa sya. Hinigpitan ko lalo ang yakap ko sa kanya.

Unti unting bumitiw si kuya at lumakad palayo sa amin.

"Kuya anong ginagawa mo? Saan ka pupunta, bumalik ka dito." pagsusumamo ko.

The Recreation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon