CHAPTER 13

130 11 0
                                        

NICE TO MEET YOU PROFESSOR

              Sean's Point of View

"Sinabi na sa akin ni Jared na may mga parating daw silang kaibigan. Pinatuloy nyo daw sila noon nang ginabi sila sa Laguna. At para ibalik ang pabor ay papatuluyin din namin kayo" nakangiting wika sa amin ni Professor. Ang gaan ng aura niya, parang ang bait niya.

"Salamat po" sabay namin sagot ni Jasmin. Napatingin naman ako sa kanya upang ngumiti ngunit inerapan ako. Anong meron, ba't maldita na ulit?

"O sya, maiwan ko na muna kayo. Sila na ang bahala sa inyong dalawa.." tinutukoy niya ay kami. Batid niya rin na pagod kami sa byahe lalo na ako dahil itong kasama ko na minamalditahan ako eh natulog lang naman. "...at kayo naman. Hayaan nyo na muna magpahinga ang mga kadarating." pahabol ni Professor bago umalis.

Wala naman nagawa sila Jared sa utos ni Professor dahil pagkahatid nila sa room namin eh agad na ring nagpaalam. Nagreklamo pa kami sa silid namin dahil bukod sa maliit lang ito na sa tantya ko ay 2m×2m lang ang laki eh magkasama pa kami sa kwarto. Parang ang sama naman tignan non na magkasama ang lalaki at babae sa iisang kwarto. Ngunit wala naman kaming nagawa dahil ubos na raw at okupado na ang lahat ng silid dahil nga marami ring tao dito. Hindi ko alam ang bilang pero sa tingin ko ay lagpas dalawampu ang taong naririto maliban sa amin. Sa totoo lang ay hindi naman ako mapili sa silid, inaalala ko lang si Jasmin dahil baka hindi siya komportable na kasama ako.

"Okay lang ba sayo na magkasama tayo dito? Kung gusto mo sa labas nalang ako" mungkahi ko sa kanya. Siguro kahit jan nalang ako sa tabi tabi.

"Okay lang. Pahinga lang ako ha?" walang gana niyang sagot at bigla na itong nahiga sa isang kama at humarap sa divider. Dalawa naman ang kama sa loob, parehas pang single bed.

Anong nangyari don? Bat parang biglang sumungit. Okay naman kami kanina ah. Siguro napagod sya ng husto sa byahe. Pero natulog naman siya ah. Ay basta, napapagod ako at kailangan ko ng magpahinga. Dumiretso na ako sa kama ko at humiga na. Ang lambot naman nito at ng tignan ko ang tatak ng kutson ay napasabi nalang ako ng "kaya naman pala" magandang klase kase ito at siguradong dito lang sa sm kinuha. Ang dami sigurong gamit dito at siguradong mga branded lahat. Biglang lumiwanag ang mukha ko, may naisip ako. Ngunit bukas nalang, sa ngayon matutulog na muna ako.

Kinabukasan ay nagising ako na wala sa kabilang kama si Jasmin. Saan siya pumunta eh ang aga aga pa. Kaya naman napagpasyahan ko nang lumabas at hanapin siya. Nagulat naman ako sa aking paglabas dahil may mga ibang tao na sa paligid at madami sila, kagabi noong dumating kami ay nasa silid na ata sila kaya hindi namin sila nakita.

Nakangiti ang iba sa akin habang ang iba naman ay nakatingin lang. Siguro ay inoobserbahan nila ako dahil bago pa lang ako dito. Sa di kalayuan naman ay nakita ko si Chuck kaya naman agad akong lumapit sa kaniya.

"Chuck, nakita mo ba si Jasmin?" agad kong tanong sa kanya.

"Oh Sean gising ka na pala. Nakita ko siyang isinama ni Dan kanina, may pinuntahan ata" sagot nito.

"Saan daw?" ang aga aga naman ata ng lakad nila. Tsaka bakit hindi ako kasama?

Nagkibit balikat nalang si Chuck hudyat na hindi niya alam kung saan. Saan naman kaya sila pupunta? Napansin ata ni Chuck na parang nawala ako sa mood kaya naman inaya nalang niya ako sa lugar na kinakain daw nila. Nakarating naman kami sa isang fast food restaurant sa loob ng mall na di kalayuan sa mga kwarto namin. Wala mang pagkain na katulad ng mga nasa lumang menu doon ay iba't ibang pagkain naman ang matatagpuan doon. Ang dami pa nilang pagkain ha.

Nag init naman ako ng kape at nagtimpla ng isa pagkatapos ay pumili ng tinapay, grabe heaven ata dito. Sinamahan naman ako ni Chuck sa pagkakape, itinanong ko sa kanya kung nasaan ang iba kagaya nila Jared at Sabrina. Sabi niya lang na nasa hardware section daw ang dalawa dahil may importante silang inaasikaso doon.

The Recreation (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon