Chapter 8

34 2 0
                                    


Sundo

Dahil pinanindigan ko na ang pagiging anti-social ko, may mga ilang lugar akong napili sa school na pagtambayan kung saan walang tao. Nakakaasiwa kasing tumambay sa Cafeteria, sa Library o sa Student Lounge ng mag-isa lang. Baka mas pansinin pa kapag gano'n.

Ngayong araw, nadiskubre ko ang isa sa mga roof deck ng Ridgegale High at pagkatapos ng huling klase ko, pinili kong doon gawin ang aking assignments. Ngunit pag-akyat ko do'n, nawala ng bahagya ang ngiti ko nang may nakita akong tao. Mukhang may kaagaw na ako ng pwesto dito. Pero naisip ko rin na baka pwede ko siyang maging kaibigan dahil mukhang parehas kaming loner sa school.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at saka ko lang napagtanto na pamilyar ang babaeng ito. Siya 'yong nakabanggaan ko sa bridge at siya rin 'yong umiiyak sa gitna ng soccer game. Napansin ko lang na simula no'ng game, lagi ko na siya nakikita kung saan-saan. Oh baka naman hindi ko lang siya napapansin? Natigilan ako nang makita ang kaniyang posisyon. Nakaupo siya sa may pasamano at wala man lang sinasandalan o kinakapitan. Kaunting ihip lang ng malamig na hangin maaaring mahulog siya. Naglakas-loob ulit akong kausapin siya.

"Miss. Hindi ka ba natatakot?"

"Takot saan?"

"Baka mahulog ka. Baba ka na lang dito."

"Okay lang, that's my intention."

Nagpintig ang tenga ko sa kaniyang sagot. Tama ba ang pagkakarinig ko? Hindi alintana sa kaniya kung mababasag ang bungo niya? Ganito ba ka-privilege ang mga tao dito? Kakaiba talaga! Halos araw-arawin ko ang pagsisimba para lang pasalamatan ang Diyos dahil nabigyan ako ng pagkakataong makapasok dito tapos 'yong iba parang ang dali lang sa kanilang magbitiw ng mga ganitong salita.

Walang sabi-sabi, hinampas ko ang braso ng babae. Huli na nang mapagtanto ko kung ano 'yong ginawa ko. Nilingon niya ako kaya umatras ako ng kaunti. Baka kasi bulyawan niya na naman ako. Kaso mali naman kasi talaga 'yong sinabi niya! Natigilan ako nang tumawa siya.

"Thanks."

Totoo ba? At nagpasalamat pa siya?

"Ano bang pinagsasabi mo dyan? Ang dami-daming lumalaban araw-araw para mabuhay. 'Yong iba desperado para lang sa kalagayan mo. Pangarap lang ng iba 'yong mga natatamo mo."

"Wow. Where are those sentiments coming from? Are you one of those who are fighting for... life?" sarkastiko niyang tanong.

Hindi ako sumagot. Pakiramdam ko nilaglag ko ang sarili ko sa kaniya. Hindi ko man lang napigilan 'yong bibig ko. Nadala lang talaga kasi ako sa sinabi niya. Ang daya! Kung ako ang nasa pwesto niya— maganda at mayaman, hindi ako magmumukmok dito.

Humampas ang malamig na hangin sa aming dako kaya sa halip na makipagtalo pa ako sa kaniya, kumuha ako ng extra kong scarf sa bag at ibinalot ko sa kaniyang manipis na mga balikat.

Balingkinitan, maputi, matingkad na kulay asul naman ngayon ang kaniyang mahabang buhok, naka-full bangs siya na bumagay sa kaniyang maliit na mukha at bilugang mga mata. Sinuklian niya ng ngiti ang aking ginawa ngunit hindi ito umaabot sa kaniyang mga mata.

Ano kaya ang pinagdadaanan ng babaeng ito?

Nagsalita siyang muli makalipas ang ilang sandaling katahimikan na pumagitna sa amin.

"Do you find any guys that are good looking in the school?"

Maraming conventionally attractive sa school. Hindi naman lingid 'yon sa aking kaalaman pero hindi ko na lang pinagtutuunan ng pansin kasi dumadagdag lang 'yon sa panliliit na nararamdaman ko sa sarili. Nanatili lang kaming nakatingin sa Main Grounds habang nakalutang sa ere 'yong tanong niya. Sakto namang may natanaw kaming lalaking galing sa isang building at agad na nilapitan ng mga babae. Malayo man ito kung nasaan kami, bunbunan niya pa lang alam mo ng gwapo. Gano'n ang mga tao dito. Minsan iisipin mong may favoritism talaga ang Diyos.

Before It's OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon