Side ChickBago pumasok ng eskwelahan, dumaan muna ako sa mansyon para kunin ang allowance ko kay Papa. Binabaybay ko na ang hardin papunta sa likuran ng bahay kung nasaan ang Quarters nila Papa nang madaanan ko si Ma'am Katerina na nagdidilig ng kaniyang mga bulaklak. Timing's a bitch nga naman. Gaya ng bilin ni Papa, sa tuwing makakasalubong ko sila sa mansyong 'to kailangan ko silang batiin bilang paggalang. Bahagya muna akong yumuko bago naglakas-loob magsalita.
"Good morning po, Ma'am."
Huminto siya sa pagdidilig at hinarap ako.
"Why are you here again?"
Again? Binibilang niya ba kung ilang beses akong dumadaan dito? I consciously cleared my throat before answering her. Alam ko namang alam niya na ang sagot.
"May kukunin lang po ako kay Papa."
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa gaya ng nakagawian.
"Nabanggit ng mga pamangkin ko that you were with them last summer."
Sinikap kong hindi ipahalata sa kaniya ang tensyon na agad bumalot sa aking sistema. Pagkabanggit niya kasi no'n, mabilis na nag-flashback lahat ng mga nangyari sa araw na 'yon. Kaya naman mabilis rin akong nag-isip ng isasagot.
"Ah, opo. Nagpatulong po kasi si Sir Ralph na bantayan 'yong mga pinsan niya."
Ewan ko ba, bata pa lang ako natanim na sa akin ang takot kay Ma'am Katerina. Nag-ugat 'yon nang pinalayo niya ako sa anak niya dati. Simula no'n, ilag talaga ako sa kaniya kahit hindi naman na nasundan ang ginawa niya noon. Habang lumalaki ako, sa tuwing makakasalubong ko siya sa mansyon 'yon lang naman ang tinatanong niya sa'kin. Kung bakit ako andito.
"We have enough helpers to do that. Next time don't take orders from my son."
Normal naman ang tono ng kaniyang boses pagkakasabi no'n. Mukhang hindi rin naman siya galit. Kaya marahan na lang akong tumango at bumalik na rin siya sa pagdidilig. Pag-abot ni Papa ng aking allowance agad akong umalis ng mansyon.
Habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep, hindi ko maiwasan maisip ang sinabi ni Ma'am Katerina. Ayaw pa rin ba niyang lumalapit ako sa anak niya? Dahil pa rin ba 'yon sa kasalanan ko noon? O ayaw niyang inuutus-utusan ako ng anak niya kasi hindi ko naman talaga trabaho 'yon? Napakamot na lang ako sa aking ulo nang may pumaradang bisikleta sa aking gilid.
"Have you gone deaf? Kanina pa kita tinatawag sa mansyon. Hindi mo man lang ako nilingon," inis na sabi ni Ralph.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Papasok na rin ng school."
"Hindi ba't mamaya pa ang klase mo?"
"Ikaw rin naman 'di ba?"
"Oo. Pero may gagawin ako sa Faculty."
"Ah. Student Assistant thing. Tara, sumabay ka na."
Naalala ko na naman bigla 'yong sinabi ni Ma'am Katerina kaya hindi ko na siya pinansin at tinuloy ko ang paglalakad. Hindi naman siya nagpatinag, marahan niya lang rin pinaandar ang kaniyang bike upang masabayan ako.
BINABASA MO ANG
Before It's Over
JugendliteraturOVER YOU #1 Love came to Nami at a very young age. Will she fight for it?