Cloud 9Nakangiti akong lumabas ng classroom pagkakuha ko ng final grades ko. Natigil rin ang pambu-bully sa akin ng mga estudyante sa Ridgegale simula no'ng bumalik si Ralph. Hindi pa rin siguro napigilan ng boyfriend ko na pagsabihan ang mga estudyante sa school lalo na no'ng pinahuli niya 'yon salarin na nagkulong sa akin sa laboratory.
Para na rin makaiwas sa mga usisero, napag-usapan na lang din namin na 'wag na masyadong magdikit kapag nasa school at kung may pagkakataon man na hindi maiwasan, si Ashley at Nate ang gumagawa ng paraan para mapagtakpan kami.
"People love rumors talaga, 'no?!" pagmamaktol ni Ashley dahil sila naman ngayon ang laman ng usap-usapan sa school dahil sa ginagawa nila para sa amin ni Ralph.
"Yeah, isa rin ako sa mga usisera dati, 'no."
"Oh my gosh, yes. Sobrang maling information pa. Me and my brother! Ew," sabi niya habang umaktong nasusuka.
"You hold grudges real tight," sabi ko habang ipinasok na ang cookies sa oven na ako mismo ang gumawa habang may supervision ng aking bestfriend.
"I know right. But not to Nathaniel either!"
"Bakit ba ayaw mo sa kaniya? Nice guy kaya ang peg niya."
"He's too pretty for a boy."
"Ano? Pretty?"
"Yes! Ako mismo mai-insecure sa kaniya."
Natawa ako nang umirap pa si Ashley pagkasabi niya no'n. Nate is really such a pretty boy. Maski nga hanggang ngayon, nasisilaw pa rin ako sa itsura niya. Kung hindi lang niya sinabi 'yong pinanggalingan ng family niya, hindi ako maniniwala na nanggaling siya sa putikan.
Pagkasalansan ko ng cookies sa kahon na binili ko, excited akong hinatak ni Ashley papunta sa kwarto niya para maayusan. Ayaw niya kasi paawat kahit anong tanggi ko kaya pinagbigyan ko na. Pinahiram niya pa ako ng damit.
"Kailangan pa ba nito?" tanong ko habang tinitignan ang mga makeup sa vanity table niya.
"Of course! It's a very special day for both of you."
Hinayaan ko na siya sa gusto niyang gawin and it turned out great. Bumagay naman sa akin 'yong damit dahil hindi nagkakalayo ang petite kong katawan kay Ashley. Kinulot niya pa ang dulo ng aking buhok at hindi pa ata siya titigil kung hindi pa tumawag si Ralph para sabihing nasa labas na siya.
Pababa na ako ng hagdanan nang gapangan ako ng kaba. Wala naman kasi akong ideya kung ano 'tong pinagplanuhang date ni Ralph. Hindi rin kami nagpapigil kahit bawal na. Natawa ako nang maisip 'yon. Hindi man nagkakasama sa school, nitong mga nakaraang buwan madalas pa kaming tumambay sa kwarto niya. 'Kay sarap talagang gawin ang bawal, ano?
"It's a surprise so stay outside," dinig kong utos ni Ashley sa boyfriend ko habang dumiretso ako ng kusina para kunin 'yong cookies.
"Napaka-strikto mo naman," puna ko sa kaniya nang makalapit na ako sa pintuan.
Pagkabukas muli ng pinto, tumambad si Ralph na nakangisi. Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa.
"God, I missed you."
Kilig na kilig naman si Ashley habang pinapanood kaming dalawa. "Stay late, okay? Enjoy yourselves," Tumango ako habang natatawa pa nang maisip na hindi pa siya pwedeng maging Nanay. Napakaluwag niya, eh!
Dapat may curfew, 'di ba?
"Thank you," sabi ko naman at nag-flying kiss lang ito bilang tugon.
Dumiretso kami sa nakaparadang sasakyan na hindi pamilyar sa akin. "Kaninong sasakyan ito?" tanong ko kay Ralph nang makasakay na kami. Dinungaw ko ang nasa driver's seat at hindi niya ito driver.
BINABASA MO ANG
Before It's Over
Teen FictionOVER YOU #1 Love came to Nami at a very young age. Will she fight for it?