Chapter 36

7 1 0
                                    


Worth the fight

Bago ako pumasok sa una kong klase, dumaan muna ako sa Finance Department para makuha ang schedule ng pagbayad ko sa miscellaneous fee. May naitabi naman na ako nitong summer dahil mas naging madalas ako sa karinderya at binibigyan ako ni Mama ng sobrang pera galing sa kinita.

Pagdating ko sa counter, tiningnan naman agad nung babae sa computer 'yong record ko.

"Nadine. Do you have time? We need to talk about something pala."

Napatingin ako sa relo at limang minuto na lang mag-uumpisa na ang klase ko. Pero sa itsura no'ng babae, mukhang importante 'yong paguusapan namin.

"Yes, I have time."

"Sige. Come inside."

Pagpasok ko sa loob, sinundan ko lang ang babae papunta sa kaniyang cubicle na nasa bandang looban pa. Umupo ako sa upuan na nakaharap sa kaniya habang may pini-print siyang papeles.

"Did the Constantines talk to you already about the scholarship?"

Napalunok ako. Isang buwan na ang nakalipas no'ng huling mainit na usapan namin sa opisina ni Sir Sebastian. Nagtungo sila ng Cotabato pagkatapos no'n at hindi ko pa ulit sila nakikita.

"Wala naman po silang nababanggit. Bakit po?"

"Apparently, they are officially dropping the scholarship program they provided for you. They only paid for the down payment kaya naging eligible ka pa for this school year."

Inabot niya sa akin 'yong papel na pini-print niya kanina. Nakasaad nga sa spreadsheet na hindi na ako eligible for the scholarship. Naka-highlight ang pangalan ko ng kulay pula. Hindi na ako nasorpresa sa aking nalaman. May karapatan naman silang gawin ito kung hindi na nila ako nakikitang deserving para dito. Alam ko naman na sa sarili ko ang dahilan pero gusto ko lang malaman kung ano 'yong sinabi nila sa school para alisan ako ng scholarship.

"May nabanggit po ba silang dahilan kung bakit inalis nila ako sa scholarship program nila?"

"Well, nothing personal. They have to cut off expenses because they're having slight recession at this time."

Nothing personal. Kahit alam ko namang personal talaga ang rason nila.

"If I lose the scholarship, hindi na po ako makakatuloy ng pag-aaral?"

"Your scholarship status is not a valid reason for kicking you out. Working student ka ng RG High, diba?"

"Opo."

"The school is considerate naman in this kind of situation. You can still pay for the remaining balance plus the miscellaneous fee up until the last quarter given your financial status."

"Sige po. May isang pabor lang po ako. Can you please keep this from my parents? Bukod naman po sa mga Constantine, ako ang nagtutustos sa pag-aaral ko."

"Are you sure? They will surely help you with this."

"Marami na po silang inaasikaso. Ayaw ko na po dumagdag."

"Okay. Sure."

"Thank you po."

Nagtanong pa ako ng mga ino-offer nilang scholarships at kumuha rin ako ng total breakdown nung remaining balance. At least they didn't expel me. Sa totoo lang 'yon na talaga yung inaasahan kong mangyayari. Malaki 'yong babayaran ko pero alam kong kakayanin ko 'to. Papatunayan ko sa pamilya ni Ralph na kahit wala ang suporta nila, makakapagtapos ako ng highschool at kolehiyo sa school na 'to.

Pinagpaliban ko muna 'yong dalawa kong magkasunod na klase para magtrabaho sa Faculty. Natyempuhan ko pa na andito halos lahat ng teachers kaya naman kinausap ko na sila tungkol dun sa ideya ni Mama dati.

Before It's OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon