Epilogue

9 1 0
                                    


Epilogue

December 25, 2009

Dear Nami,

I've never felt anything like this to anyone but you and believe me when I say that it's driving me crazy but I am very happy with you. What we have found with each other is worth the fight. Please don't give up on us even if things get tough. And if ever I lose my way, just wait because these lights will guide me back to you— my home.

Merry Christmas and Happy New Year.

All yours,
Ralph

***

Nangako siyang babalik siya. Ito na lang ang tangi kong pinanghahawakan sa tuwing maiinip ako sa paghihintay. Tatlong buwan siyang nanatili sa Batangas noon para makapiling ako. At kapalit no'n ang pagtungo niya sa Amerika para magtapos ng kolehiyo at maumpisahan na rin ang traning niya sa pamamahala ng kanilang kumpanya. Tumupad naman ang kaniyang magulang sa kanilang naging usapan dahil hindi na nila muling ginambala ang aking pamilya. At hindi na rin nila inusisa o kinontra kung ano man ang relasyon namin ni Ralph kahit magkalayo pa kami.

Akala ko naman maayos na ang lahat kasi walang araw na pinalampas si Ralph na magkausap kami. Lahat man 'yon patago kong ginagawa kila Mama, mas magaan sa pakiramdam dahil alam kong isang araw makakamit rin namin ang kalayaan para mahalin ang isa't isa. Kaunting tiis na lang. Ngunit isang araw, hindi na lang siya nagparamdam hanggang sa inabot na ito ng isang taon. Tinawagan ko na siya, tinadtad ng message at binantayan ang kaniyang Facebook...pero wala.

Maski hindi ko na alam kung ano na kami, pinaalam ko pa rin sa kaniya 'yong mga naabot ko gaya ng pagtatapos ng high school, 'yong launch ng Esquisse by ViNa tapos 'yong pagtungtong ko sa kolehiyo. Umaasa na baka sakaling mag-reply siya pero wala pa rin, eh.

Wala na ba talaga?

"Nak..." nabalik ako sa ulirat nang tawagin ni Papa ang atensyon ko.

Bumalik naman ang kaniyang pagsasalita pero medyo bulol na siya. Kaya para hindi na siya mahirapan pa, pinaglaanan ko siya ng sketchbook kung saan ko ginuhit 'yong mga bagay na madalas niyang kailanganin.

"'Pa. Anong kailangan mo?"

Tinuro niya ang baso ng tubig. Agad akong kumuha at pagbalik ko, dahan-dahan niyang tinuro ang veranda. Pinainom ko muna siya ng tubig saka ko itinulak ang kaniyang wheelchair papunta sa veranda kung saan niya madalas gustong tumambay. Humila ako ng upuan at tumabi sa kaniya pagtapos ko siyang maipwesto. Ilang minuto ang lumipas na nanood lang kami ng mga batang naglalaro sa kalsada.

"Nak..." sabi ulit ni Papa.

"Ano po 'yon?"

Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa aking kamay na nakahawak sa gilid ng wheelchair niya. Nakatitig lang siya sa akin at naiwan sa ere ang isa kong kamay na nakahawak sa kaniyang sketchbook.

"So...sorry."

"Sorry? Para saan po?"

"Ra... Ral... Ralph..."

Binitawan ko 'yong sketchbook at hinawakan pabalik ang kamay ni Papa. "Hindi po kayo galit sa akin?" ang pinakauna kong sinabi. Dahan-dahan siyang umiling.

"Wala po kayong kasalanan. Ako ang dapat humingi ng sorry kasi dahil po sa akin, nangyari 'to sa'yo."

"Hin...di..."

"Sorry talaga, 'Pa." ang tangi ko na lang nasabi dahil ayoko na siyang mahirapan pang magsalita. Dinantay ko ang aking ulo sa kaniyang balikat. Naramdaman ko rin namang kumalma na siya.





Before It's OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon