Chapter 39

15 1 0
                                    


Choice

Napagdesisyunan ni Mama na bibisita na kami kay Tita Irna ngayong Undas dahil sa bahay lang ulit kami magdiriwang ng Pasko't Bagong Taon. Ngayon pa lang kasi sinabihan na sila ng management ng restaurant na doble kayod sila sa holiday. Hindi naman umalma si Mama kasi gusto rin niyang bawiin 'yong ilang buwan na ipinahinga niya na walang kinita. Makakasama pa si Papa dahil binigyan rin siya ng tatlong araw na day off ng mga Constantine.

Mahigpit ang aking hawak sa dala-dalang bag habang inaantay namin ang bus na sasakyan papunta ng San Juan. Panay ang tingin ko sa orasan na para bang mahuhuli na kami sa biyahe kahit maaga naman kaming umalis ng bahay. Hindi rin ako mapakali sa paglinga sa paligid na siyang napansin naman ni Mama.

"Ayos ka lang ba?"

"Opo."

"Andyan na 'yong bus natin," pagkarinig ko no'n, tinakbo ko ang pilahan hindi pa man nakakaparada ng maayos 'yong bus. Ako pa ang pinakaunang nakasakay.

"Natatae ka ba, nak?" biro ni Papa nang lahat kami maayos nang nakaupo. Natawa naman ako sa tinanong niya at agad na umiling. Pinagmasdan ko ang kaniyang nakangiting mukha. Napakagaling talaga niya magtago ng sakit. Naputol lang ang titigan namin nang tinawag ni Mama ang kaniyang atensyon.

Pinanood ko lang sila mag-usap. Bumaba si Papa saglit para bumili ng extra pang tubig para kay Zuki na ngayo'y nakatitig sa labas. Tulad ko, gusto rin niyang nakaupo sa window side ng bus. 6 years old pa lang ang kapatid ko pero hindi siya malikot tulad ng ibang bata. Tahimik pa ito sa akin. Mas matanda ako pero ako pa ang nagbibigay ng sakit ng ulo sa magulang namin.

"Nami. Sigurado ka bang ayos ka lang? Kanina ka pa balisa," puna ulit sa akin ni Mama. Nakatulala na pala ako sa kanila ng kapatid ko.

"Pagod lang po ako."

"Tamang-tama, matulog ka na lang maya-maya."

Tumango na lang ako pero simula nung umandar kami, hindi na naalis ang mata ko sa daan at hindi ko na napigilan ang sariling maisip ang mga nangyari sa amin ni Ralph. Para lang ito isang panaginip dahil sigurado ako noon hanggang tanaw lang talaga ako sa isang katulad niya. Laking pasasalamat ko pa rin kasi natuto akong magmahal at lumaban para sa isang tao. Ngayon, dapat ko naman itong ibuhos sa pamilya ko.

Kinabukasan, Araw ng mga Patay kaya abala kami nila Mama at Tita Irna magluto ng babaunin namin sa sementeryo. Gaya ng nakagawian, mago-overnight kami dun kasama ang mga pinsan ko. Nang maihanda na pati ang tent na gagamitin namin, pinagmaneho kami ni Tito Lando sa kanilang dyip. Pagdating sa sementeryo, marami ng mga tao tapos 'yong mga pinsan ko, nag-unahan ng hanapin ang lapida ni Lola dahil may pa-premyo daw si Papa. Mabilis nahanap ni Otep kaya siya ang nanalo. Pero hindi pa rin niya ako tinantanan sa panghihiram ng cellphone.

"Otep, hindi ko kasi na-charge eh. Naiwan ko rin 'yong charger. Bukas na lang."

"Sige po."

Nakapwesto na ang lahat at nagsasaya ang aking mga kamag-anak. Nakatanghod lang ako sa kanila habang kumakain ng hotdog na nasa stick nang lapitan ako ni Mama.

"Samahan mo ako bumili ng softdrinks. Ito kasing Tita mo, hindi pa dinagdagan 'yong biniling Coke kanina."

Tahimik lang akong sumama kay Mama. Sinabayan niya lang ang mabagal kong hakbang. Dalawang buwan ko rin 'tong pinag-isipan at ito na 'yong tamang panahon para ipaalam sa kaniya.

"Mama. Ayos lang po ba kung dito na lang muna ako sa Batangas?"

Naramdaman ko ang tingin niyang pumako sa akin. Nanatili akong nakayuko at sinisipa-sipa ang mga bato na nalalakaran.

Before It's OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon