Baby SittersPadabog akong naglakad papunta sa kwarto niya. Gano'n lang naman pala kadali isauli sa kaniya 'yong cellphone. Bakit ba pinatagal ko pa? Inakala ko bang tatanggi siya? Ewan ko na talaga sa sarili ko.
Walang kahirap-hirap akong pumasok sa kwarto ng ugok at nag-umpisa ng i-vacuum ang kaniyang carpeted floor. Siguro naman matatapos na rin 'yong deal namin kasi mukhang maayos na rin sila ni Andrea, sapat na 'yong ipinakita nila sa akin no'ng retreat. Pero kabaligtaran ang dapat mangyari, 'di ba? Mukhang mas nagkalapit lang sila no'ng dumating ako sa eksena.
Ah! Ano bang pakialam ko?
Sa loob ng tatlumpung minuto matapos kong linisin ang carpet, study table at walk-in closet, sinunod ko ang kama. Tumayo ako sa may paanan nito at kinuha ang throw pillow nang biglang nagsipasukan ang mga bata sa kwarto at tumakbo papunta sa akin. Pinalibutan nila ako kaya sabay-sabay kaming tumilapon sa kama.
"We found the Princess, Kuya!" sigaw nila habang panay ang tawa at kapit sa akin.
"Sandali, basang-basa pa kayo!" sigaw ko.
Sinikap kong makaahon sa mga bata at nadatnan ang ugok na patawa-tawa pa habang pinapanood ang alanganin kong sitwasyon. Nakasandal lang siya sa may pintuan at nakahalukipkip.
"Huy, Ralph! Hindi pa ako tapos maglinis!" sigaw ko sa kaniya.
"Who says you're cleaning?" sagot niya at sumugod na rin sa kama. Lumipat ang ilang bata sa kaniyang dako at nagkilitian sila. Nang makuntento ang ugok, bumangon na siya sa kama. Pumapalakpak siya habang nakayakap pa rin sa akin ang mga bata.
"Okay. Good job!"
"Our prize! Kuya! You promised! Kuya!"
"Wait. We still have to do something before that, right?"
"Yes! Princess, please give us a bath!" sigaw no'ng mga bata. May iilang tumalon na sa kama dala ng sobrang excitment. Wala akong ideya sa pinag-uusapan nila kaya napatingin na lang ako kay ugok.
Sinenyasan niya ang mga bata na pumunta sa kaniya. "That's not how I taught you, guys. Stand here beside me," utos niya.
Nakahinga naman ako nang kumalas ang natirang bata sa akin. Tumayo ako habang pinapanood silang gumawa ng isang linya na paharap sa akin.
"Can you please give us a bath?" sabay-sabay nilang sabi at isa-isang nagpa-cute sa akin.
"Si-sige, go to the CR na," sabi ko naman dahil sino ang makakatanggi sa ka-kyutan nila?
Pinapila ko sila at sumunod naman ang mga bata sa tulong rin ni Ralph. Mabuti na lang at hindi ko pa nalinis ang CR, kundi doble ang trabaho ko mamaya. Nakakaaliw naman ang mga pinsan ni Ralph dahil tulad ng bilin nito sa kanila, nagpakilala ang bawat isa na sasampa sa bathtub. Medyo madugo nga lang silang paliguan dahil sobrang lilikot lalo na ng mga lalaki. Pero isang saway naman ng kanilang nakatatandang pinsan, nakikinig naman ang mga ito.
Matapos kong paliguan ang lahat, dumiretso na sila sa kwarto para mabihisan. Kinuha ko na ang pagkakataong 'yon para malinis na rin ang CR nang maramdamang hindi pa rin pala umaalis si Ralph at kaming dalawa na lang ang nasa CR ngayon.
Nag-umpisa na naman tuloy ang kabog ng aking dibdib.
"Gagamit ka na ba? Maglilinis muna sana ako," pagpapaalam ko dahil ramdam ko ang kaniyang titig sa bawat galaw ko.
Hindi naman siya sumagot at tahimik na nilinis ang bathtub. Kaya naman binilisan ko na rin magligpit ng kalat at akmang lalabas na ako ng CR nang pigilan niya ako.
BINABASA MO ANG
Before It's Over
Teen FictionOVER YOU #1 Love came to Nami at a very young age. Will she fight for it?