KonsensyaEverything in my body is shaking pag-uwi ko no'n dahil hindi ko lubos akalain na may malagim na mangyayari sa gabing 'yon. Sinikatan na ako ng araw sa samut-saring bagay na pumapasok sa aking isipan at paulit-ulit na pag-flash ng kaawa-awang itsura ni Jovelle na humihingi ng tulong. Lumipas ang isang linggo at tanging 'yon lang ang gumigising sa akin sa madaling araw. Mabuti na lang talaga at natapos na ang periodical exam namin kaya sinadya kong mag-absent na lang. Saktong nagkasakit rin ako kaya hindi ko na kailangan pang mag-isip ng palusot kay Mama.
"Anak, kumain ka na. At tingnan na natin ang temperature mo," sabi ni Mama pagpasok sa kwarto. Tinago ko naman ang cellphone na kanina pa umiilaw dahil sa paulit-ulit na text at tawag ni Ralph.
Isang beses ko lang siyang ni-reply-an para sabihin na may sakit ako. Dahil do'n, mas lalo ko pa ata siyang pinag-alala kaya ayaw ako tigilan. Gusto ko rin sanang magtanong kung kumusta sa school. Kung alam na ba nila ang nangyari pero wala akong lakas para gawin 'yon. Paano kung nakita ako ni Jovelle ng gabing 'yon? Sila Barry kaya nakita rin ako?
"Wala ka ng lagnat. Pumasok ka na bukas. Nakakahiya sa mga Constantine. Sabi ng Papa mo, kinamusta ka ni Sir Sebastian kasi pinaalam daw ng school na ilang araw ka ng hindi pumapasok."
Wala naman akong choice kundi pumasok na kinabukasan lalo na nang malamang sila Ralph pala ang kino-contact tungkol sa mga activities ko sa school. Dumadagdag pa tuloy sa alalahanin ko kung nakatunog na ba sila tungkol sa relasyon namin ng anak nila. Basta simula ngayon, pag-aaral at pagiging assistant ko na lang ang aatupagin ko.
Pagdating ko ng school, sinalubong ako ni Ashley at dumiretso kami sa library. Alam niyang nagkasakit ako kaya binigay niya sa akin lahat ng notes niya para makapag-catch-up ako sa mga lessons. Napansin ko agad na matamlay ang aking kaibigan pero pinipilit niyang maging masigla sa tuwing may itatanong ako sa kaniya.
"Ayos ka lang ba?"
Napasabunot siya sa sarili at kinumos ang mukha. "I don't know what to do anymore."
Sinara ko ang librong binabasa at hinarap siya. "Anong nangyari?"
"May rumors na kumakalat tungkol sa isang scholar ng school."
Napalunok ako. So alam na nga ng school? Shit. Ang dami kong gustong itanong pero ayoko naman magpahalata na may nalalaman ako.
"Kay J-jovelle?"
Tumango siya. "I am so thankful na hindi ikaw 'yon. But at the same time hindi rin because the rumor with Jovelle is getting out of hand."
"Ano bang nangyari?"
"May nag-post kasi ng anonymous letter sa campus website. Everybody suspects that she posted that in the school's website."
"Anong sabi?"
Nilabas niya ang phone at may pinakitang picture sa akin. "They turned down the post pero huli na dahil marami ng kumalat na screenshots."
this school allows a rapist as their student. Beware of him and his friends.CC.
Napalunok ako. "Paano nila nalamang si Jovelle ang nag-post niyan?"
"Sa CC. They call her as charity case, 'di ba?"
Napahugot ako ng hininga. "S-sino daw 'yong tinutukoy na rapist?"
BINABASA MO ANG
Before It's Over
Teen FictionOVER YOU #1 Love came to Nami at a very young age. Will she fight for it?