Chapter 25

22 1 0
                                    



Charity Case

Posible pala makaramdam ng ganitong klase ng saya sa puso lalo na kung ang paligid mo masaya rin para sa'yo. Kabaligtaran nga ang inaasahan kong reaksyon kasi sino ba naman ako, 'di ba? Oo nga pala. Hindi naman kasi nila alam ang totoo. Pero sa totoo lang, halos nalimutan ko na nga 'yon. Now, everybody doesn't just assume... They know that I am the girlfriend of the one and only Ralph. Pero pinakamasaya ako sa ginawa ng boyfriend ko. Alam niyang ito ang makakapagpanatag ng loob ko kahit hindi naman 'to ang preference niya.

Nawala naman ang kunot ng noo ni Ashley nang makita kaming magkasama ni Ralph na magkahawak-kamay. She knows I wanted this to happen.

"Too soon than what I've expected," bati niya nang makalapit na kami. Ralph, not knowing what she's talking about, pulled me closer and kissed my temple.

"See you later, babe." bulong niya at kasabay no'n ang hagikhikan ng mga nanonood sa amin.

"I'm so happy for you, Nadine." malambing na sabi ni Ashley at niyakap pa ako. "Now, go to your position!" sabay sigaw niya kaya naman napatalon ako sa gulat.

Akala ko pa man din abswelto na ako sa pagka-late ko.

Masakit ang katawan, nagsibalikan na kami sa kani-kaniyang classroom pagkatapos ng madugong practice. Pero nagpunta muna ako ng CR para magpalit ng damit dahil sobra akong pinagpawisan. I used one of the shower rooms at maya-maya lang may mga grupo ng babae na pumasok.

"I'm so pissed! Partner ko pa 'yong charity case! Alam naman ni Ashley kung ano ang taong 'yon."

"Bakit kasi sinali pa siya, 'di ba?"

Charity Case? Si Jovelle ba ang tinutukoy nila? I leaned in the door to listen for more.

"I heard that she's not really an heiress or kahit anak man lang ng politician!"

"According to Donny, pinaaral siya ni Avegail Tejano, yung sikat na actress. Scholar thingy."

"Scholar gives me creep."

"Bakit ba kasi may pa-charity shit pa ang Ridgegale?"

Ah, 'yon pala ang ibig sabihin ng charity case. At 'yon ang tawag nila kay Jovelle.

"At bakit kaya pinapasama siya kay Nami?"

"Maybe Nami is too nice to accompany her."

"Yeah. She's way too nice compared to Andrea."

"I know right! Grabe. Second time nagpakita ng girlfriend si Ralph."

"Wait. Ang alam ko si Andrea ang nag-initiate na ipakitang sila. Kaya nakipag-break sa kaniya si Ralph kasi ayaw niya ng gano'ng klaseng babae."

"Gano'n pala ka-sweet si Ralph maging boyfriend, no?"

"Ang swerte ni Nami!"

"If I know, mas malaki ang yaman no'n. Kaya he chose her over Andrea."

"You know how it works here... It's more than just the feelings. Laging involved ang business."

Nabura ang ngiti ko sa huling sinabi ng babaeng 'yon bago sila lumabas ng CR. No. Hindi dahil sa yaman kaya ako pinili ni Ralph. Kaya, bakit nga ba ako ang napili niya? Shit, hindi ko pala naitanong sa kaniya 'yon. Pero mahalaga pa ba 'yon? Kasi kung yaman lang ang habol ni Ralph, wala ako no'n. At saka hindi ba pwedeng feelings lang talaga ang dahilan?

Will all the things I'm hearing about Jovelle, I spent the next minutes convincing myself that I don't need to worry. I am strongly associated with the elites—mula kay Ralph, sa mga kaibigan niya, kila Barbie, kay Ashley, at Nate. And as long as I spend more time with them, my secret won't be revealed.

Before It's OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon