KapalitI logged off at exactly 6AM on a Saturday morning. May kaunting sigla pa ako nang patayin ko ang aking monitor sa pagiisip na sa wakas makakauwi na rin ako para makabawi sa tulog pagkatapos na naman ng isang linggong namuhay ako na parang zombie simula nang tanggapin ko ang trabahong ito bilang isang call center agent. Napagtanto ko kasing kulang pa rin ang kinikita kong pera sa pagiging Admin Assistant at pagkaing binibenta ko sa Ridgegle. Bale tuwing Lunes hanggang Biyernes, magtatrabaho ako ng 9PM tapos diretso ako sa school at bago mag-umpisa ang unang klase, saka ko gagawin ang mga assignments at mag-review kung mayro'n man akong exam.
Hindi na ako magugulat kung isang araw tumagos na lang ako sa pintuan.
"Kaya mo pa ba, bagets?"
"Opo," natatawa kong sabi habang napahikab na ng tuluyan.
"Umuwi ka na at baka dito ka pa abutan," sabi ni Ate Karel na may bahid ng pag aalala sa mukha. Siya ang nag-train sa akin sa trabaho kaya siya na rin ang naging pinakamalapit kong katrabaho sa team.
"Sige po, see you on Monday."
Umidlip ako ng kaunti sa byahe dahil didiretso muna ako sa karinderya para tumulong kay Mama hanggang tanghali. Pagbaba ko ng dyip, sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin kaya naman napapikit ako habang nag-uunat. Tinapik-tapik ko pa ang aking balikat para purihin ang sarili dahil nagiging matatag ako sa tatlong buwan na ganito ang routine.
Buong akala ko sapat na ang parusang ipinapatang ko sa sarili dahil sa kabi-kabilang mga trabahong pinapatos ko para lang maigapang ang pag-aaral. Ayon pala, mukhang hindi pa.
Dahil para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang matunghayan si Mama na umiiyak habang hindi niya malaman kung paano dadalhin ang mga gamit sa kusina na nagkalat sa kalsada. Nakaluhod siya ngayon at yakap-yakap ang ilang kaldero at sandok. Halos matisod ako sa pagtakbo papalapit sa kaniya.
Kung hindi ko lang siya kilala, maiisip kong baliw na siya.
"Mama, anong nangyari? Bakit andito ang mga gamit natin sa labas?" sabi ko habang pilit na hinuhuli ang kaniyang mga mata pero nakatuon lang siya sa kalsada. Kinuha ko na lang 'yong mga gamit sa bisig niya.
"Mama. Upo muna tayo doon at mag-usap tayo. Anong nangyari?" sabi ko habang marahan naman siyang alalayan papunta sa may gutter para maupo pero ayaw niya pa rin magpapigil.
"Mama. Sandali lang," nilapag ko sa may gutter ang ilang mga gamit at binalikan siya agad. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso. Saka niya ako nakuhang tingnan at pumalahaw na lang siya ng iyak nang makilala ako.
"S-sinigurado kong... m-malinis... 'yong luto."
Hinahagod ko lang ang kaniyang likod habang inaantay pa ang mga susunod niyang sasabihin.
"M-may p-peste daw... 'yong luto ko."
Nagpantig ang tenga ko nang marinig 'yong sinabi niya. Peste? Sa niluluto niya? 15 years nang nakatayo ang karinderya namin at ni-minsan walang ganitong insidente. Ang karinderya ang bumuhay sa amin bago pa man naging family driver at security ng mga Constantine si Papa. Marami na kaming suki noon pa man, kaya imposible na mangyari ang ganitong klaseng problema.
"Pinasara na nila... p-permanente na daw."
Pagkasabi niya no'n, napaupo na rin ako sa kalsada at wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya habang tinitingnan na ngayon ang sarado naming karinderya. Madilim na ang itsura nito. Totoo ba? Wala na talaga ang tinuring naming pangalawang tahanan? May nakapaskil na sa harapan nito na For Rent. Hindi ko na rin napigilang maluha.
BINABASA MO ANG
Before It's Over
Teen FictionOVER YOU #1 Love came to Nami at a very young age. Will she fight for it?