Ridgegale DayHindi mahinto sa utak ko ang pagulit sa nangyari sa storage room limang araw na ang lumipas. Tapos sa tuwing kakain ako o 'di kaya'y magseselpilyo, napapahawak ako sa labi ko kasi parang ando'n pa rin ang labi niya... shit! Hindi naman namin napagusapan ang nangyari pero dapat ba? Paano kung tanungin niya kung kamusta 'yong halik niya?
Ano bang dapat na sagot? Kasi hindi ko maipaliwanag. At kung noon gusto kong punitin ang uniform na isusuot ko sa birthday ni Ma'am Katerina, ngayon sa tuwing makikita ko 'tong maingat na nakasabit sa tukador namin, kumakabog na lang ang dibdib ko sa labis na tuwa sa alaalang dala nito.
"Can I do this first?" bulong ko at pumikit sa harap ng salamin ng nakanguso.
First kiss ko 'yon! Gano'n pala sa pakiramdam. Nakakagulat. Nakakatunaw ng tuhod. Nakakawala ng katinuan. Nakakapaso. Nakakawindang. At gusto kong maulit—este ulit-ulitin sa utak ko 'yong nangyari. Hala! Hindi ko naman akalaing hahanap-hanapin pala 'yon ng sistema ko?
Oh, to be a maid liked by the owner's son.
That in the middle of feeling so small, he's there to rescue me. He's there to catch me whenever the reality of our differences sets in and he doesn't hesitate to fit himself in my little world.
Binabaliw mo ako, Raphael Kurt Constantine!
Ridgegale Day. Pumunta ako kila Ashley bago pumasok ng school gaya ng bilin niya. Pagdating ko do'n, hinatak niya ako sa living room nila kung saan pinalilibutan siya ng mga taong sa tingin kong makeup artists gaya nang nabanggit niya kahapon. Napaka-competitive talaga ng kaibigan ko. Hindi siya nakuntento sa butterfly wings at sparkly costumes namin dahil nagpalagay pa kami ng kolorete sa mukha. Exaggerated ang falsies, lipstick at eyeshadow. Kumikinang rin ang mukha namin para terno sa suot.
"Now we look legit butterflies!" masaya niyang sabi pagkatapos naming ayusan. Turquoise blue ang kulay ng pakpak ko samantalang sa kaniya naman ay lavender. Gano'n rin ang kulay ng spandex jumpsuits namin at kumikinang ito sa glitters.
Nanatili akong nakatingin sa salamin. "What makes you think na ganito itsura nila close-up?"
Tinawanan niya lang ako habang pinapadala kay Armani lahat ng gamit namin. Nahiya naman ako nang pati gamit ko talagang dinala niya pa.
"Ah, kaya ko ng dalhin 'yong akin," sabi ko at akmang kukunin sa kaniya ang bag ko nang tabigin ng kapatid niya ang kamay ko.
"Let him do that for us, Nami. Masisira ang get-up natin."
I looked shyly at Armani, who's now in his rose costume. He didn't budge and busied himself with his cellphone while singlehandedly carried our stuff.
"He'll be fine. Tara na!"
Nagmistulang paraiso ang buong Ridgegale High dahil bukod sa disenyong nilagay namin na nakaani agad ng maraming papuri, nagkalat ang mga estudyante sa kani-kanilang mga costumes at nakakuha na naman kami ng atensyon pagbaba namin ng sasakyan dahil sinalubong pa kami ni Ralph.
Ang aga-aga pero nakabusangot siya. "Bakit 'di ka pa sa akin sumabay?" sabi niya at hinablot na lang ang gamit ko kay Armani.
"Bakit marunong ka ba mag-make-up?" pambabara ko. Hindi naman siya nakasagot kaya binati ko na lang si Nate na tumakbo rin sa dako namin.
BINABASA MO ANG
Before It's Over
Teen FictionOVER YOU #1 Love came to Nami at a very young age. Will she fight for it?