Chapter 14

23 1 0
                                    


Pares Boy

Pagdating namin sa Clark International Airport, patuloy lang akong nagpatianod sa hatak ni Pares Boy papunta sa bilihan ng ticket. Kasing-bilis ng kanyang pagbitbit sa akin dito ang paglabas niya ng pera. Ni-hindi na ako nakapagkunwari man lang maglabas ng imaginary money nang sabihin niyang libre niya na daw sa akin ang pamasahe na parang roundtrip lang ng jeep papuntang SM Baguio ang babayaran niya.

"Chicken Girl, do you mind if we sit together in the plane?"

Wala sa sarili akong tumango dahil paano ako makakatanggi kung siya ang sumagot ng pamasahe ko?

"Perfect! Two roundtrip tickets to Cebu, please. Specifically for Flight 5J 607."

Kung paanong nakakuha pa siya ng ticket para sa amin on the day ng flight? Hindi ko na alam. Hawak ang boarding pass, naglakad na kami ni Pares Boy papunta sa Boarding Gate kung saan namin aantayin ang eroplano. 

"Ikaw... si Pares Boy, 'di ba? 'Yong kumain sa karinderya namin," bulong ko.

Ngumiti siya. "Yes! Akala ko nakalimutan mo na ako."

"Akala ko dayo ka lang sa Baguio. Um, h-hindi kasi talaga ako kasama dito." alangan kong sabi at napakamot pa sa ulo.

Oo nga, may roundtrip ticket nga ako. Pero hindi naman talaga ako nagbayad sa retreat. Baka sipain lang nila ako pabalik ng Baguio pagtungtong namin ng Cebu.

Tinapik ako ni Pares Boy sa ulo at tumawa pa 'to ng bahagya.

"Leave it to us." makahulugan niyang sabi at nagsalitan pa kami ng tinginan hanggang sa makuha ng atensyon ko ang pagtikhim ni Ralph.

Yumuko na lang ako at tahimik na umupo habang unti-unting nagkumpulan sa aking harapan sila Ralph at ng kaniyang mga kaibigan. Kasama ni Armani 'yong babaeng nakita ko dati sa mansyon tapos kasama naman ni Barry ang isang babae na hindi ko kilala pero halata namang girlfriend niya kasi hindi sila mapaghiwalay.

At isa pala sa kaibigan niya si Pares Boy na mabilis na umupo sa aking tabi. Hindi na 'to humiwalay sa akin mula kanina.

"Hey. I bought a plane ticket for the two of us. I won't ride with you," sabi ni Pares Boy kay Ralph.

"No. That's not the plan. You're riding on my plane."

"Nah. Chicken Girl doesn't mind if we sit together in the plane," sagot ni Pares Boy tapos nilipat ang atensyon sa akin. "Right?"

Tumango ako. Totoo naman kasi. Nalipat na lang ang tingin ko kay Ralph na ngayon sobrang kunot na ang noo. May ibubusangot pa pala ang mukha niyang 'yan? Nanatiling tikom ang aking bibig at sinimulan nang hanapin si Ashley sa bungkos ng mga estudyante na kanina pa pala nakatingin sa aming dako. Nagmistulang F4 kasi ang apat na lalaking nakapalibot sa akin kaya hindi ko rin sila masisisi.

Ngunit kung ako ang papipiliin, gusto ko na lang magpalamon sa lupa kasi kung kay Ashley napapako lang ang tingin sa akin ng mga taga-Ridgegale, kay Pares Boy tumatagos hanggang kaluluwa ang mga titig nila at para pa akong lalamunin ng buhay.

Pinigilan ko ang bibig ko sa pagnganga sa pagkamangha nang makasakay na ako ng eroplano. First time ko kasi 'to. Sinundan ko lang si Pares Boy ng walang kahirap-hirap dahil wala naman akong dala. Sa gilid kami nakapwesto at pang-tatluhan ang upuan. Umupo na si Pares Boy sa window side tapos ako na sa tabi niya.

Before It's OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon