TextmatesThat day felt like a fairytale to me. At para bang napakaraming door of possibilities ang bumukas right in front of me sa sandaling magkausap kami ni Ralph tungkol sa mga bagay sa nakaraan na nagdugtong sa aming dalawa. Sa sandaling pagkakataon, nawala ang agam-agam ko tungkol kay Andrea. At kung ginawa lang 'yon ni Ralph dahil sa aming pagkukunwari, hindi ko na rin naisip.
Dahil hindi ko na rin kayang magkunwari sa sarili kong nararamdaman. He was just a boy I'm curious about back then but now he's someone I'm having these strong feelings for. Para ba akong naturukan ng kung anong gamot na mabilis na dumaloy sa lahat ng ugat ko sa katawan. Huli na para pigilan. Lalo na nang hinayaan ko pang makausap si Ralph sa text simula ng summer break.
Abala akong nanonood ng TV habang binabantayan ang karinderya nang mag-vibrate ang aking phone sa bulsa. Binuksan ko ito agad at nakita ang isa na namang text galing kay Ralph. Kung dati inis lang ang tanging umuusbong sa aking dibdib sa tuwing mangungulit siya, napalitan na ito ng pinaghalong kaba at tuwa.
Babe
Nami.
Napakagat ako ng labi. Unti-unti na rin akong kinakain ng hiya dahil wala rin siyang tigil sa pagkarga ng load sa phone na 'to kaya nagagamit ko pa pang-internet. Magti-tipa na sana ako ng text nang biglang sumulpot si Nate sa aking harapan.
"Hi, Chicken Girl!"
"U-uy... Pares Boy. Ba't a-andito ka?"
"Nag-lunch ka na ba?"
"Um, hindi pa."
"Tara! I'm here to eat. Sabay na tayo," naka-ngiti niyang sabi sa akin.
"Anak," sabi naman ni Mama mula sa kusina. "Oh, may kostumer pala tayo."
"Hi po! I'm Nate," sagot agad ni Nate bago ko pa siya ipakilala.
Lumapit siya sa dako ni Mama at nakipag-kamay. Kitang-kita ko kung paano natigilan si Mama. Panigurado na ganyan rin ang mukha ko nang unang beses kong nakita si Nate.
"Ah, Ma... Schoolmate ko po siya sa Ridgegale."
"G-gano'n ba? May gagawin ba kayo?" tanong naman ni Mama habang nakapako pa rin ang tingin kay Nate.
"Hindi po! I'm here to eat lunch. Pwede po bang sabay na kami mag-lunch ni Nami?"
"Sige. Anong gusto mo?"
"Pares! And whatever your daughter likes."
"Maupo na kayo do'n," utos sa amin ni Mama.
Ibinalik ko sa aking bulsa ang phone, kumuha ng baso at tubig bago ko sinundan si Nate sa lamesang kaniyang napili.
"Akala ko nangibang-bansa ka."
"Nope. I have to work. Since peak season ngayon, I have to oversee Vegas Suites & Resort dito sa Baguio."
"Ah okay. Hindi ba't masyado ka pang bata para hawakan 'yong business niyo?"
"Yes, but I want to learn as early as possible. Mabigat ang pressure dahil ako ang inaasahan ni Papa bata pa lang ako."
"Oh. Kaya pala. Buti pala at napadaan ka."
"Yes. I'm really hungry. Sawa na ako sa hotel food and delivery. I'm looking for homemade food. Kaya dito agad ako nagpunta."
"Talagang dito ka talaga pumunta, ah?"
"Oo naman!"
Babe
BINABASA MO ANG
Before It's Over
Teen FictionOVER YOU #1 Love came to Nami at a very young age. Will she fight for it?