Chapter 38

8 1 0
                                    


Last Straw

Kahit pala handa mong isugal ang lahat sa isang tao, darating ang araw na mapapagod ka at wala kang gana sa kahit anong bagay. Ang mahalaga lang sa ngayon, mairaos mo 'yong bawat araw na dumadaan. Hindi kayang punuan ng pagmamahal 'yon, lalo na kung iyon mismo ang pinaglalaban mo. Gano'n lang ang buhay ko nitong nagdaang araw. Nangungulit pa rin si Ralph paminsan-minsan sa text at tawag pero nagawa kong hindi pansinin. Nakisama rin kasi ata ang tadhana sa akin at parehas kaming abala sa school kaya hindi rin kami nagkikita. Sa bahay naman bukod sa tuluyan ng gumaling si Mama, umigi na ang tensyon sa pagitan namin ni Papa.

"Natutulog ka pa ba, Nami? Ang lalim na ng mata mo," sita ni Papa. Hindi muna ako sumagot, ginawa kong excuse ang pagsubo ng kanin.

"Para saan ang pagta-trabaho mo sa JCTech Incorporation?" sunod niyang sabi na nagpaangat na ng ulo ko.

"Paano niyo po n-nalaman?"

"Wala kang planong sabihin kung hindi ko pa makikita 'yong offer letter mo?"

Napaiwas ako nang tingin. Shit, paano niya nakita 'yong letter na 'yon eh, tinago ko 'yon sa pinakababa ng tokador namin?

"Marami na po kasi kaming project ngayong third year."

"Gaano karami ang project mong iyan na halos hindi ka na namin makita dito sa bahay?"

"Gusto ko lang din po makatulong s-sa mga bayarin dito sa bahay."

"Trabaho ko ang magbigay ng pangangailangan mo, maging dito sa bahay. Hindi ka dapat nagta-trabaho."

"Tama ang Papa mo, Nadine," mahinang sabi ni Mama at naluluha na naman. "P-pasensya na. Kasalanan ko."

Napasinghap si Papa at napahawak sa kaniyang dibdib. "Wala kang kasalanan, Faye. Sinabi ko naman na 'di ba? Ako na ang bahala at makakabangon rin tayo."

"At saka 'wag ka nang mag-alala, may bago na akong trabaho."

Napatingin kaming dalawa ni Papa sa kaniya. "Talaga? Saan?" tanong ni Papa.

Sumilay ang kaunting ngiti kay Mama nang tumingin siya sa akin. "Minsan bumisita kayo ng mga kaibigan mo doon. Isama mo si Sir Nathaniel, ha?"

"Nathaniel..." sabi ko nang may pagtataka. "Si Nate po?"

"Oo. Hindi pa ako nakakapagpasalamat ng pormal sa kaniya."

"Ah... sige po," kahit hindi ko alam kung bakit kailangan niyang magpasalamat kay Nate. Hindi ko na lang inusisa pa, ang mahalaga mawala sa akin 'yong spotlight.

"Sabi ko naman 'di ba? Makakabangon rin tayo! Ang gusto lang namin pag-igihan mo sa pag-aaral, Nami. Huwag mong akuin ang responsibilidad namin. Kasi lahat kaya naming gawin para lang mabigyan kayo ng maginhawang buhay," dugtong ni Papa kaya naman tumango na lang ako at hindi na nakipagtalo.

"Dadagdagan ko ang allowance mo," bulong ni Mama habang nagliligpit kami ng hugasin. Tumango na lang rin ako. Hindi ko naman kasi masabi sa kanilang tinanggal na ng mga Constantine ang scholarship ko at hindi pa rin sasapat kung sakali ang ibibigay sa akin nila Mama.


Mabuti na lang umalis ulit si Papa pa-Maynila kaya naman naituloy ko pa rin ang pagta-trabaho sa pinasukan kong call center. Nailalaan ko na ang sweldo ko ngayon sa tuition fee ko, si Mama na ulit ang sumasagot ng pambayad sa bill ng tubig at kuryente. Pagkatapos kong maglaba, pinaliguan ko na si Zuki at binibihisan nang marinig ko naman ang boses ni Ashley sa labas.

Before It's OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon