Hiding PlacePapasukan na siguro ng langaw ang aking bibig at papasa na sa isang horror film ang itsura ng aking mukha sa labis na pagkagulat sa pangyayari. Samantalang ang estatwang lalaking 'to, nanatiling walang reaksyon. Sumalampak lang siya sa car seat— right next to where I am seated, isinuot sa tenga ang earphones at tumitig na sa kaniyang cellphone.
Inulit ko ang tanong ko kaninang ni-isang hinga mula sa kaniya, wala akong natanggap.
"Anong ginawa mo?!"
Akala ko hindi niya pa rin ako papansinin pero kumunot ang kaniyang noo at iritang tinanggal ang earphones.
"Can you stop shouting? Ang hilig niyong mga babae sumigaw," angal niya.
"Bakit mo ako hinatak sa dito? Ano na lang iisipin ni Andrea? Ralph naman! Patay ako sa girlfriend mo!"
"Madadaanan naman natin 'yong bahay niyo eh. E 'di sinabay lang kita. Duh?" masungit niyang sagot. "And about Andrea, matagal na kaming wala no'n," sabi niya na parang kinumusta ko lang ang araw niya.
Natigilan ako sa binulgar niyang impormasyon pero hindi ko ito pinahalata and my face remained horrified towards him. Baka sakaling ma-bother naman siya kahit kaunti.
"She just kept on insisting for us to get back together." dugtong niya pa.
"At kelan mo naman ako sinabay umuwi, aber?! Nakikipagbalikan pala 'yong tao sa'yo eh! Ako malilintikan sa ginawa mo."
"Then ride with me starting next week. Be my pretend girlfriend." tamad niyang sabi.
Akmang isusuot niya na ulit sa tenga ang earphones nang mainis ako lalo kaya hinablot ko 'yong phone niya. How can he be so relaxed about this?!
"Hey—!"
"Nahihibang ka na ba?!"
Hindi niya kinuha pabalik ang cellphone. Sa halip, sumandal lang siya sa upuan at hinilot ang sentido, "I don't want Andrea bothering me in school again."
"Bahala ka sa buhay mo. Ayoko! Kausapin mo ng maayos 'yang ex-girlfriend mo." huli kong sabi sa kaniya bago ako bumaba ng sasakyan at nilapag sa tabi niya ang cellphone.
Grabe! Ito na ata ang pangalawang beses na napuno ako sa kaniya. At wala akong pakialam kung magalit siya sa akin. Eh, sa hindi tama 'yong ginawa niya, eh?
Pretend girlfriend? Really? 'Yon na ang naisip niya para lang tantanan siya ng ex-girlfriend niya? Tapos sino ang ge-gyerahin, malamang ako, 'di ba?
Talagang sarili niya lang ang iniisip niya! Ang hiningi ko kaibigan, hindi pretend boyfriend at sa isang katulad niya pa. Tsk!Nakaapat na oras lang ata ako ng tulog kagabi dahil hindi mawaglit sa aking isipan 'yong nangyari at bakit naman sa lahat ng pwedeng hatakin ni Ralph, ako pa?
Nakatulala ako ngayon sa hapag-kainan nang tawagin ako ni Papa.
"Nabanggit pala ni Sir Ralph na sumabay ka na daw pagsundo ko sa kaniya."
"Mauuna na ako 'Pa."
"Iyon nga ang sinabi ko sa kaniya— na magkaiba kayo ng schedule. Pero tinanggi naman niya?"
Lalo akong nawalan ng gana kumain. Talagang nilaglag niya pa ako kay Papa?
"'Pa, mas marami kasi akong ginagawa sa kaniya kaya kung magkakapareho man kami ng schedule, mas maaga ko pa rin gusto pumasok."
"Kaso 'yon kasi ang utos niya."
"Ako bahala, 'Pa. Sabihin mo sa kaniya, hindi ako pwede at may gagawin pa ako. Dapat maaga pa lang nasa Ridgegale na ako."
BINABASA MO ANG
Before It's Over
Fiksi RemajaOVER YOU #1 Love came to Nami at a very young age. Will she fight for it?