Game OverIlang gabi akong hindi pinatulog ng mga sinabi ni Ralph sa pagtatalo namin noon. Nakikipagtukaan siya kay Andrea tapos nanggagalaiti naman siya nang makita 'yong text ni Nate sa akin. Ang gulo niya, 'di ba? Napasinghap ako sa inis nang maalalang ako pa talaga ang sinabihan niyang may problema sa aming dalawa. Tapos confident pa siyang naaapektuhan ako ng mga kinikilos niya. Nasasabunutan ko na lang ang sarili dahil ubos na ang brain cells ko kakaisip!
"Anak. O? Ayos ka lang ba?"
Bakit andito si Papa? Anong ginagawa niya sa cafeteria? Tumingin muna ako sa paligid. Buti na lang wala masyadong tao na makakita sa amin.
Tumayo ako. "'Pa... Anong ginagawa mo dito?" pabulong kong tanong.
"Sinundo ni Sir Sebastian si Sir Ralph..." pinatigil ko muna siya sa pagsasalita at hinatak ko ito palabas hanggang sa makarating kami sa parking lot.
"Eh, nagbakasakali akong makita kita dito para pumasyal naman tayo saglit," excited niyang sabi.
"Hindi na ba babalik 'yong susunduin mo dito?"
"Hindi na daw. Kanina pa ako pinabalik sa mansyon pero nabanggit kasi ni Sir Ralph na out mo na rin kaya inantay na kita."
Paano niya nalaman ang schedule ko? Daig pa niya magulang ko.
"Tama ba? Wala ka ng klase?"
"Ah, opo. Wala na."
"Tara!" dali-dali niya akong pinagbuksan ng pinto sa likod.
Alangan ko siyang tiningnan. Hindi ba dapat sa harap ako umupo dahil hindi ko naman siya driver?
"Sumakay ka na dito. Isang karangalan ang maipagmaneho ka naman paminsan-minsan."
Hindi na ako kumibo at sumakay na lang. Ilang sandali lang nakarating kami sa Roadhouse Barn Restaurant. Saka lang ulit ako kumibo pagbaba namin.
"Papa, dito tayo kakain?"
"Oo. Gusto mo matikman ang steak nila dito, 'di ba?"
"Wow," ang tangi kong nasabi.
At hinidi ako makapaniwala hanggang sa makapili kami ng table at abutan kami ng waiter ng tig-isang menu. Sa halip na maglaway na ako sa mga steak na nasa menu, hindi ko mapigilang silipin si Papa. Seryoso ba talaga siya?
"Nakapili ka na?" tanong niya kaya agad kong binalik ang tingin sa menu at pumili na ng gusto kong kainin.
Nang makuha na ng waiter ang order namin, tinanong ko ulit siya. "Bakit dito tayo kakain?"
"Syempre! Gusto ko lang naman i-spoil paminsan ang panganay ko. Masama ba 'yon? At saka, 'wag mong alalahanin ang gastos. May allowance ka pa rin para sa susunod," natatawa pa niyang sabi.
Maski kailan hindi nagdamot si Papa sa amin. Ibibigay niya kahit 'yong mga bagay na hindi naman talaga kailangan, basta nagustuhan namin. Isang beses ko nga lang nabanggit 'tong restaurant na 'to at 'di ko na matandaan kung kailan pero naalala niya pa rin. Napapadalas na nga rin ang pagbili niya ng laruan na tinuturo ni Zuki sa tuwing magagawi kami sa mall. Ayaw rin niya papigil kay Mama na no'ng nakaraan dahil binilhan niya ito ng isang bungkos ng bulaklak.
BINABASA MO ANG
Before It's Over
Teen FictionOVER YOU #1 Love came to Nami at a very young age. Will she fight for it?