Chapter 11

38 1 0
                                    


House Party

Nabawasan ang mga matang nakatutok sa akin no'ng natapos na ang parusa ni Ralph. Kaya lang hindi na ako makalusot ngayon kung magkaroon man ako ng sablay. Dati kasi sapat na ang presensya ni Ralph para hindi na uminit ang ulo ng mga teachers. Hindi ko lang maintindihan ang sarili ko dahil no'ng nakaraan lang wala akong ibang hiniling kundi ang mawala na siya sa poder ko at ngayong nawala na talaga siya ng tuluyan, parang nawalan rin ako ng gana mag trabaho. Siguro napagtanto ko rin na iba talaga kung may kasama kaysa nag-iisa lang.

Tamad na tamad ako kumilos at ilang beses na ako humikab kaso pinaalala ko sa sarili kong hindi na pwedeng antukin pa dahil wala ng sasalo sa mabigat kong ulo. Naalala ko na naman tuloy 'yong sungit na 'yon. Dalawang linggo na kaming hindi nagkikita dahil nasa ibang bansa siya kasama ang kaniyang pamilya. Nanatili lang akong nakatitig sa mga aparato na dapat kanina ko pa tapos ayusin kaso may iba akong gustong gawin.

"Nakakainis na buhay 'to! Bakit ba kasi kailangan kong magpaka-alila para lang makapag-aral?" pagmamaktol ko.

Pumalumbaba ako at napatingin sa hallway. Nakaka-enganyo ang ganda ng panahon nitong mga nakaraang araw. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong lumabas ng silid para dumungaw sa baba. Pinanood ko ang mga estudyante na naka-siesta lang. Hay, sana pwede ko rin gawin 'yon sa bakante kong oras dito sa school. Napabuntonghininga ako kasi habang tumatagal, lalo akong nakakaramdam ng inggit sa mga taong nakapaligid sa akin.

Bakit kaya ang gaan at bait ng buhay sa kanila? Sa totoo lang, wala namang rason para mainis sa mga estudyante dito na sobrang arte at palaayos. Kasi may pera naman sila at pinalaki silang komportable ang buhay. Gano'n rin 'yong mga estudyanteng maangas at talentado. Bakit mo itatago ang isang bagay na pwede mo ipagmayabang? Ano namang pakielam ng mga inggeterang katulad ko, 'di ba?

Naiibsan lang ang inggit na nararamdaman ko nang magkaroon na rin ako ng kaibigan. Kahit papaano pakiramdam ko kabilang na ako sa kanila. Malaking bagay kasi na nauugnay ako kay sungit. Mula sa iisang koneksyon, lumawig na ang aking mundo.

Pabalik na ako ng lab nang sumulpot sa aking harapan 'yong babaeng nakasama ko no'ng nakaraan sa Ridgegale University. Lumiwanag ang kaniyang mukha nang makita ako. "Hey! Oh, gosh! It's already three in the afternoon and you're doing an experiment?" magiliw niyang bati sa akin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Nakasuot kasi ako ng lab gown para hindi magduda 'yong mga makakita sa akin sa kung ano man ang ginagawa ko sa lab.

"Ah, oo. Ikaw, bakit andito ka pa?"

"I'm looking for you!"

"Bakit?"

"Do you have the dress na for the house party later?"

Oo nga pala! Ngayon nga pala 'yong house party na usap-usapan pa noong nakaraang linggo na magaganap sa bahay nila Barry. Isa ako sa personal niyang inimbita na ikinigulat ko pa nga pero hindi ako nag-kumpirma kasi hindi ko alam kung anong ginagawa sa gano'n. Nabalik ako sa ulirat nang taasan ako ng kilay nitong babae at namewang pa.

"Don't tell me na wala ka na namang plano pumunta?"

"Ah ano... Wala kasi si Ralph... eh, dapat magkasama kami."

"Then we'll go there together!"

Bakit ba ang lakas ng hatak sa akin ng babaeng 'to? Hindi ko siya matanggihan kaya hindi rin ako nakasagot agad. I can't think of any alibis but there's also a part of me that's curious kung ano man ang house party na 'yan.

Before It's OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon