Chapter 23

28 1 0
                                    



Tanging Tanong

Ganito pala ang pakiramdam kapag may gusto kang ipagdamot. Bata pa lang ako, walang araw na hindi tinuro sa akin ng mga magulang ko na maging mapagpaubaya sa nakababata kong kapatid. Kasi sa aming dalawa, ako daw ang dapat mas makaintindi dahil ako ang panganay at ako ang gagayahin niya paglaki.

Hindi naman siguro applicable 'yon sa lahat ng pagkakataon 'di ba? Lalo na't hindi ko naman kapatid si Andrea. Pero tama bang pag-agawan ang isang tao? Dapat ba 'yong teddy bear na lang nahablot ko? I don't even know where I'm headed at the moment. Natauhan na rin ako sa ginawa ko at sinusubukan kong mag-isip ng pwedeng palusot dahil siguradong wala na akong takas sa mga pwedeng itanong sa akin ni Ralph kahit hindi naman siya kumakalas sa hawak ko.

"Nami... Saan tayo pupunta? Where are you taking me?"

Huminto ako. Saktong nasa ilalim kami ng arko. Bahala na talaga! Hinarap ko siya at sumalubong sa akin ang ngising kanina pa siguro naka-plaster sa mukha niya. So this is fun for him, huh? Pabalang kong binitawan ang kamay niya at namewang ako. Tiningnan ko siya ng masama habang iniipon ko ang acting skills ko— kung mayro'n man.

"'Wag mo akong ngisian dyan at makinig kang mabuti sa sasabihin ko dahil isang beses ko lang 'to sasabihin. Okay?"

Nawala naman ang kaniyang ngisi at seryosong tumitig sa akin. At the back of my mind, I just want him to smirk again. Mukhang mas okay kasi 'yon! Malulusaw lang ata ako sa ginagawa niya, eh.

"Ito na ang huling beses na isasalba kita dyan sa ex mo, ha? Ayoko ng magkunwari bilang girlfriend mo."

"Who says—"

"Teka," pagputol ko ng sasabihin niya. "Patapusin mo muna ako. Payong kaibigan lang din, ano? Kung gusto mong tantanan ka na ng ex mong 'yan, sabihin mo ng diresto sa kaniya. Hindi 'yong gagamit ka ng ibang tao para magsalita para sa'yo. Kaya utang na loob, itigil na natin 'to."

I didn't know I am already catching my breath just by saying my piece. Tapos nararamdaman ko na ang nagbabadyang luha dahil sa kirot na nararamdaman ko sa dibdib. I can no longer tolerate his mixed signals towards me. Sa aming dalawa ng ex niya, siya lang panigurado ang nage-enjoy.

Tumalikod na ako at naglakad palabas nang magsalita siya.

"Ayoko na rin magkunwari."

Napahinto ako. Ano na naman ba ang ibig niyang sabihin?

"I don't want to be your pretend boyfriend anymore."

That's the point. Nakuha naman pala niya.

"And I don't want you to be my pretend girlfriend."

Bakit kailangan pa niyang himay-himayin 'yong sinabi ko? At saka mas masakit pala kapag sa kaniya mismo nanggaling. Pinahid ko ang nakatakas na luha at hahakbang na sana ulit nang magsalita pa siya.

"Because now I want you for real."

Hindi ako sigurado kung tama ang narinig ko kaya hinarap ko siyang muli. Worry flashed right through his face upon realizing that I am already crying. But I was surprised when I watch him walk towards me–closing our gaps.

He cupped my face with his warm hands. This time, he wiped the tears in my face.

"And I've been trying to tell you that a long time ago already," sabi niya habang sinusubukang hulihin ang mga mata ko.

Before It's OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon