(Daffodil's POV)
"Daf? Gising na! Malalanta ang mga bulaklak bago pa madala sa Jeopardy."
Agad akong napabangon ng maramdaman ko ang mahinang pag yugyog ni Mama sakin.
Jeopardy is a company na nag e-export ng iba't ibang bulaklak papunta sa iba't ibang bansa at sa amin iyon kinukuha.
"Daisy. Rose. Lily. Mga anak, gising na tutulungan nyo kami ni Papa nyo."
Kinusot ko ang mata ko at napaupo sa kama ko.
Ang flower plantation ng pamilya namin ang bumubuhay sa amin. Nakatira kami sa bansang Caribbean. And we own a 5-hectare land they called Flora Edwina. Pamana ito ng Lolo Edwin ko sa Papa ko kaya sobrang mahal ng buong pamilya ang plantation.
Pagtayo ko sa kama ko ay sabay kaming lumabas ni Rose, the 3rd in our birth order.
Lima kaming magkakapatid at ako ang panganay. Lahat kami babae at siguro ay napansin nyo nang ang mga pangalan namin ay hinango sa mga bulaklak.
Daffodil. Daisy. Rose. Lily. Lavender
Our grandparents are fond of flowers since then. Kaya siguro naipasa nalang din sa parents namin at mapapasa din sa amin ang pagka hilig dun.
--
Pagbaba namin, agad naming nadatnan si Papa na kumakain sa kusina.
"Hi pa!" sabay naming sigaw ni Rose.
"Oh kumain na kayo."
Ngumiti kami at umupo. Sumunod naman agad ang tatlo pa naming kapatid.
Hindi kami mayaman pero hindi din kami mahirap. Pinag iipunan kasi nila Mama at Papa ang para sa pag-aaral namin. Syempre lima kami. Ako mag ka-college na, si Daisy magse-senior highschool, si Rose mag gi-grade 8, si Lily mag gi-grade 4 at si Lavender mag gi-grade 1 na sa pasukan.
Kaya kahit medyo malaki naman yung kita sa Flora, tipid tipid para sa future.
Kahit si Lark naman talaga yung future ko. Anlande.
"Bilisan nyo dyan ha. Mag aalas sais na. Malalanta na yung mga bulaklak kapag kinarga sa sasakyan. Nagmamadali pa naman ngayon ang Jeop dahil may Flower Festival na magaganap sa kabilang bayan bukas."
Nagsimula na kaming kumain habang nag uusap usap.
"Flower Festival? Pwede ba tayo pumunta, Ma?"
Naghintay kami ng sagot mula kay Mama ng tanungin sya ni Lavender, the youngest. Nagtinginan sila ni Papa at bumaling naman agad sa amin na sabik sa sasabihin nya.
Ang Flower Festival ay gaganapin sa Tweddia. Isa sa mga city ng Caribbean. Medyo malayo-layo yun samin.
"Pag iisipan pa namin yun ng Papa mo. Sa ngayon, kumain na muna kayo. Bilisan natin at baka maunahan pa tayo ng Cosmic sa pagdala, mai-itsapwera ang mga bulaklak natin."
Nagpatuloy nalang kami sa pagkain at umaasa nalang na makakapunta kami sa Festival bukas.
Ang Cosmic ay ang Flower Plantation na matindi naming kalaban sa pagdedeliver ng mga bulaklak.
BINABASA MO ANG
Loving my Bestfriend
RomanceCOMPLETED❗️ We're both afraid and vulnerable. Maybe this moment isn't really our time. Maybe when the right time comes and we're not scared anymore, then maybe love will give us a chance. "...you will forever be the love of my life. I love you so mu...