Her tears;

1 0 0
                                    

(Daffodil's POV)

"Plano naming magpakasal next year." panimula nya pagkaupo ko.

"H-Ha?"

He looked at me and smiled.

"Pero bago kami magpakasal, we will plan it all out of course. At babalik muna kami sa Sorrel after this week. We will be back months before the wedding."

I smiled. Napaka settled niya sa iisang bagay. That made me think a lot of what if's.

What if I chose to be with him?
What if I told him I love him?
What if I never rejected him?
What if I get the chance to be with him?

What if....

"I can't wait to be her husband." he said again, and I looked away.

Ang sakit ng mga salitang yun. Sobra.

Akala ko tapos na e. Akala ko tatawanan ko nalang. Pero hindi. Parang libro lang pala. May Book 2.

"I can't wait to say I do. I can't wait to kiss her in front of everyone. I can't wait to build a house with her. I can't wait to tell her how much I love her everyday. I can't wait to wake up with her. I can't wait to have children with her. I love her so damn much, nget."

I bit my lip, hindi parin ako makatingin sa kanya. Pakiramdam ko basag na basag na ang puso ko. Ang bilis ng tibok nito at sa kada tibok, may dalang sakit.

Akala ko ba nagtayo na sya ng barrier kanina? Bakit ganito? Ba't tumatagos parin?

"B-Bakit mo sakin sinasabi yan? Hahahahaha. A-Andun sya sa rooftop." saad ko ng hindi parin nakatingin.

"Wala lang. I just want my bestfriend to know how much I love my life. Syempre mahalaga ka sakin e. Lahat ng kalungkutan, kasiyahan at drama ko sa buhay, sasabihin ko sayo."

Tinignan ko sya at nakatingin din pala sya sakin. I forced a smile.

"Good for you." sabi ko at iniiwas na naman ang tingin.

Pakiramdam ko kasi, kapag nakatingin ako sa mga mata nya, nanghihina ako. Para bang sinasabi ng mga yun kung gano ako ka tanga. Para bang sinasabi ng mga yun na iba na talaga ang mahal nya.

Ang sakit. Sobra sobra.

"Nababaliw na yata ako, Daf. Nae-excite ako. Yung tipong gusto ko nalang hatakin ang mga oras para mapabilis."

I looked at him at diretso lang ang tingin nya. He called me Daf. Which means he is serious about what he's telling me.

"Lark." seryosong tawag ko sa kanya kaya humarap sya.

"Hmm?" nakangiting sagot nya.

"P-Pano kung, m-mahal pala kita? P-Pano kung sinabi ko sayo yung nararamdaman ko 8 years ago?"

His face became stoic. Diretso lang ang tingin nya sa mga mata ko. Ilang minuto syang ganun hanggang sa ngumiti sya ulit.

"Kung mahal mo ko? Naisip ko na din yan nung mga panahong ilang beses mo kong ni-reject, nget. Pinipilit ko sa sarili ko na mahal mo talaga ako."

Seryoso ang tingin ko sa kanya. Nakatingin lang din sya sakin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Pero naisip ko din nung nasa Sorrel na ako, kung mahal mo talaga ako, sasabihin mo sakin yun, diba?"

"P-Pano kung, hindi ko masabi kasi, pangarap mo yung nakataya?" tanong ko ulit sa kanya. Dumiretso sya ng tingin.

"Hindi ko naman talaga ipagpapalit ang pangarap ko, Daf. Kasi alam ko naman na kaya kong pagsabayin ang dalawa kong pangarap. Kinabukasan ko at Ikaw."

Loving my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon