Ignore;

1 0 0
                                    

(Daffodil's POV)

"Oh nasan na si Lark?" tanong ni Mama matapos ang napakahabang oras ng pagkuha ng wallet.

"Umalis na ma. Papakuha nya nalang daw kay Dahlia." inabot ko yung remote at nanood. Pero ang totoo, si Lark parin ang iniisip ko.

"Ay ganun?" rinig kong singit ni Rose.

"LQ?" dagdag rin ni Daisy at naghagikgikan na sila.

"Pwede ba tigilan nyo ko? Paghahampasin ko kayo jan, subukan nyo ko." seryoso kong sabi kaya sumeryoso din agad sila.

Ayaw ko namang mag sungit pero ewan. Nasasaktan ako. Wala ako sa mood.

Buong hapong yun, hindi kami nag usap at nag kita ni Lark. Dadating na din si Papa at si Tito Net bukas kaya hindi na rin nila ako matutukso.

--

Kinabukasan, wala pa rin akong gana pero kailangan kong kumilos. Hindi pwedeng unproductive ang araw na to.

Si Lark lang yan, Daf. Dati hindi mo naman sya pino-problema.

"Magtatanim tayo ng Calendula ngayon, ha?" saad ni Mama.

"Ma uuwi ba ngayon si Papa?" tanong ni Lavender kay Mama.

"Oo baka mamaya nandito na yun. Daf at Rose, sumunod agad kayo tapos nyong kumain ha?"

Tumango lang ako kay Mama habang nakasalampak paupo sa upuan habang nakapikit. Naramdaman ko namang lumapit sya at tumabi sakin.

"Daf bilisan mo, tutulong sina Hera at Lark satin kaya subukan mong makipagbati sa kanya. Alam kong nag-away kayo."

Minulat ko agad ang mata ko at ngumiti si Mama sakin tsaka tumayo at lumabas na.

Sa sinabing yun ni mama, parang automatic na gumalaw ang buong katawan ko at natapos agad akong kumain at magbihis, 20 minutes lang.

"Rose sunod ka nalang sakin. Ang bagal mo."

Hindi ko na hinintay ang sagot nya at lumabas na.

Alam ko sa sarili kong kasalanan ko. Hindi ako manhid at hindi ako magmamanhid-manhidan. Alam kong narinig nya ang sinabi ko kahapon at nasaktan sya dun.

--

Pumunta agad ako sa Calendulas at nadatnan ko si Mama dun habang kausap si Tita Hera. Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong Lark na nakikita.

Akmang lilingon na ang ng mahagip ng mata ko ang lalakeng naglalakad papalapit na walang pang itaas na damit. Diretso ang lakad nya papunta sakin.

Pawisan na sya at nakasabit ang t-shirt nya sa balikat nya. Basa na din ang buhok nya dahil sa pawis. Bumaba ang paningin ko at buti nalang napigilan ko ang pagkalaglag ng panga ko.

Six-pack abs with sparkling sweat.

Hindi ako mahayok at minsan lang ako magpantasya sa mga lalake. At yung minsan na yun, ngayon na yun.

Peste talaga!

Naglalakad pa rin sya papalapit sakin at unti unti, lumalapit sya. Lumalapit ng lumalapit hanggang sa lagpasan nya na ako.

Sumunod naman ang tingin ko sa kanya at nakitang naghahakot pala sya ng fertilizer.

Hays.

Loving my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon