(Daffodil's POV)
"Kain na tayo nget!" rinig kong sigaw ni Lark sa baba. Nasa kwarto ako ngayon sa taas. Kakatapos ko lang mag half bath at nakabihis na ako.
Hindi ko alam kung baliw na ba ako o ano pero napa praning ako at pinalitan ko ang bedsheet ko, pati punda ng unan.
At ngayon, naka hilata na ako sa kama habang nakatingin sa kisame.
Anong gagawin ko? Dito sya sa kwarto matutulog. Panigurado inutusan sya ni Mama at baka pinilit pa na dito matulog.
Tumayo na ako at akmang lalabas na ako sa pinto ng biglang bumukas yun.
"Sabi ko kakain----na." nakahawak yung kamay nya sa door knob at nakapasok ang ulo nya kaya sobrang lapit namin sa isa't isa na dahilan ng pagbilis na naman ng kabog ng puso ko.
"K-Kakain na nga."
Nilagpasan ko sya pero hindi nakatakas sa paningin ko ang simpleng ngiti nya.
Arghhhh Daf! Gising! Gising! Gising!
Bestfriend mo yan!Pagbaba ko, nakita kong nakahain na at adobo ang ulam. Aba nagluto. Pwede na.
Hoy Daf! Anong pwede na?!
--
Umupo na ako at maya maya umupo na din sya. Kumain kami at walang umiimik.
Ilang minuto na ang nakakalipas wala pa ding nagsasalita.
Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Mahina din ang volume ng TV kaya rinig ko pa ang huni ng kuliglig mula sa labas.
Tumikhim ako at uminom ng tubig saka tumayo na kaya napatingin sya sakin.
"Tapos ka na?" tanong nya ng ilagay ko ang pinggan ko sa lababo.
"Oo. Manonood lang ako ng TV."
Napaka-awkward ng paligid dahil sa hindi ko malamang dahilan. Umupo nalang ako sa harap ng TV at nilakasan ang volume.
"Hugasan mo yung plato, Larkspur."
Aba kahit naman crush ko sya hindi ako magpapabebe like 'ako na maghuhugas ilagay mo nalang dyan' pero deep inside 'potangina kumain kain ka tapos ako paghuhugasin mo? Gago sa susunod kumain ka sa dahon ng saging para diretso tapon.'
"Anong ako? Ikaw maghugas dun Daffodil."
"Mahuli matapos sya maghuhugas!" sigaw ko sa kanya at sumandal naman sya sa pinto ng kusina.
"Nahuli ako kasi hinintay kita matapos. Ayokong iwan ka mag isa sa mesa."
Seryoso ang pagkakasabi nya nun at kahit malayo sya sakin nakatingin parin sya diretso sa mga mata ko.
Shit.
Ang rupok mo, Daffodil!
"Okay fine! Ako na! Peste ka."
Tumayo na ako at pumunta sa kusina. Narinig ko naman ang pagtawa nya saka sya umupo sa inuupuan ko kanina.
Nagsimula na ako maghuhas ng tapunan ko sya ng tingin. Naka pokus lang sa sa TV habang hawak ang remote.
Agad akong umiwas ng tingin ng tumingin din sya sakin. Narinig ko ang mahinang pag tawa nya.
"Masama tumitig, Daf." sabay ngiti.
And with just that, my heartbeat killed me.
-
"Sigurado ka bang sa kwarto ka matutulog?" tanong ko sa kanya habang nanonood kami ng TV habang nakaupo sa magkabilang upuan.
BINABASA MO ANG
Loving my Bestfriend
RomanceCOMPLETED❗️ We're both afraid and vulnerable. Maybe this moment isn't really our time. Maybe when the right time comes and we're not scared anymore, then maybe love will give us a chance. "...you will forever be the love of my life. I love you so mu...