Okay;

1 0 0
                                    

(Daffodil's POV)

"Daisy dalhin mo nga tong jacket ni Tita Hera mo sa bahay nila."

Tumakbo agad ako papunta kay Mama na nasa upuan at nanonood ng TV pagkarinig ko ng sinabi nya. Binangga ko pa si Daisy at inagaw kay Mama yung jacket ni Tita.

"Si Daisy ka na ba ngayon, ate?" sarkastikong tanong ni Daisy sakin.

"Ako na magdadala nito sa bahay nina Tita Hera, Ma."

Ngumisi si Mama tsaka umiling.

"Hayaan mo na ang Ate mo, Si. May namimiss lang yan sa kapibahay natin."

"Ahhh okay!" nakangisi si Daisy at halatang nanunukso.

Kahapon, matapos ulit yung eksena sa kwarto nya, hindi na naman kami nag kita. Galit talaga sya to the point na natitiis nya ako.

Lumabas na ako sa bahay at naglakad papunta sa bahay nila.

Pagdating ko sa pinto, tumigil muna ako at bumuntong hininga.

Papasok ba ako? Baka nasa sala sya. Tapos hindi naman nya ako pansinin.

E bakit ba si Lark ang inaalala mo e jacket naman ni Tita Hera ang bitbit mo?!

Malala na talaga ako.

Hinawakan ko ang door knob nila at hinay hinay na pinihit yun.

Dati, dire-diretso pasok lang ako sa loob. Ngayon, ano na Daf? Ba't may pa buntong hininga ka pa?

Nang tuluyan na akong makapasok, lumipat agad ang tingin nilang apat sakin. Si Tita Hera, Tito Net, Dahlia at Lark. Kumakain sila sa kusina at mukhang may pinag-uusapan.

Tumingin ako kay Lark pero naging seryoso sya at tinignan lang ako saglit bago ibinaba ang tingin sa kinakain nya.

"Oh, Daf! Halika kain ka!"

Ngumiti ako kay Tita Hera at naglakad nalang papunta sa sala nila saka ko nilapag yung jacket sa sandalan ng upuan.

"Wag na po, Tita. Uhm, dinala ko lang tong jacket mo pong naiwan mo kahapon sa bahay. A-alis na po ako."

"Ay oo, sige salamat Daf. Hindi ka ba talaga kakain?"

"Pasta to, Ate! Kain ka na!" nakangiting sabi ni Dahlia sakin.

Tinignan ko si Lark pero seryoso lang syang kumakain habang kinukulit-kulit sya ni Dahlia.

"Wag na po talaga Tita, Tito. Uuwi na lang po ako."

"Larkspur hindi mo man lang ba yayayaing kumain ang bestfriend mo?" tanong ni Tito Net sa kanya na naging dahilan ng pag-angat nya ng tingin diretso sa mga mata ko.

Tinignan nya lang ako ng ilang segundo. Parang sinasabi sakin na 'Umalis ka na kasi napipilitan akong gawin ang ayaw ko dahil nandito ka sa harap ng mga magulang ko'

"Ba't pa pipilitin ang ayaw, Pa?"

Yun lang ang sinabi nya saka sya tumayo at naglakad papunta sa lababo habang bitbit ang plato nya.

Ngumiti lang ako kila Tito at Tita tsaka kay Dahlia at lumabas na din agad.

Paglabas ko, agad akong huminga. Ramdam ko ang kirot sa dibdib ko.

Loving my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon