(Daffodil's POV)
I'm in the state of shock. Hindi ako makagalaw at hindi ko maibuka ang bibig ko para batiin sya. Seeing him in front of me is surreal. He's so much better. And I can see that.
"Uhm, yea l-long time no see, Lark."
He smiled at ginulo ang buhok ko.
"Lark huh? Hindi na ba baks?"
I felt weird dahil parang wala lang sakanya ang nangyari 8 years ago. Nakalimutan nya na ba? O baka pinipilit nya lang kalimutan?
"Uhm-"
"Kain na tayo, mga anak!"
I was cut off dahil sa pagsigaw ni Mama mula sa kusina. Thank you for saving me, Ma.
I looked at him at nakatingin lang din sya sakin.
"K-kain na tayo?" I awkwardly asked. Trying to slide away the atmosphere.
He smiled kaya ngumiti nalang din ako.
Akmang aalis na ako ng bigla nya akong hinatak at naramdaman ko nalang ang matigas na dibdib nya at ang mga braso nyang nakapulupot sa likod ko.
He's hugging me. And I'm frozen like a statue. Hindi ako makagalaw at hindi ako makahinga. It's like suffocating inside his arms but also makes me happy.
"I missed you, nget." he whispered and he let me go. Still frozen as shit. Nakatuon lang ang paningin ko sa kanya. Hindi nagsasalita at hindi parin gumagalaw. Hindi ko makapa ang sasabihin ko o kung ano ang ia-akto ko. This is too much. Shit, Daf sobrang halata ka na.
"Daffodil at Larkspur, mamaya na kayo mag kwentuhan! Kakain na! Hindi pinaghihintay ang pagkain."
And for the 2nd time around, Thank you, Ma. Nakahinga na ako ng maluwag at ngumiti nalang saka nauna nang maglakad papunta sa kusina.
--
"Kamusta naman ang trabaho mo ngayon, Daf?" tanong ni Tita Hera.
Nasa hapag na kami ngayon at kumakain na. Katabi ko si Rose at Lily sa magkabilaan kong side. Pero katapat ko naman si Lark. Atleast, nahimasmasan na ako kahit papaano.
"Okay naman po Tita. Medyo hectic nga lang ang sched ko ngayon since malapit na ang outbreak ng magazine issues kaya kaliwa't kanan ang mga requests pero I can manage naman po."
Tumango tango si Tita habang nakangiti at dumapo ang paningin ko kay Lark na nasa harap ko. He's smiling.
"That's nice." biglang saad ni Lark na nginitian ko nalang.
"Ikaw, Lark? Musta ang trabaho mo sa Sorrel?" tanong ni Papa.
"Uhm, okay lang din, Tito. Hindi ako masyadong busy ngayon. I'm happy nakapag take ako ng leave for a month kaya umuwi ako dito."
"Oo nga Kuya Lark e. Nagulat kami na uuwi ka." -Daisy
He smiled at Daisy tsaka lumanding ang paningin nya sakin.
"Actually, I've got something to do kaya umuwi ako dito. Something important." he said while staring right into my eyes.
"May open wires ba sa paligid? Bakit may spark? Hahahahaha!"
Hindi ko nilingon ang nagsalita pero alam kong si Lily yun.
"Ano naman yun, Lark?" tanong ni Mama kaya umiwas ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Loving my Bestfriend
RomanceCOMPLETED❗️ We're both afraid and vulnerable. Maybe this moment isn't really our time. Maybe when the right time comes and we're not scared anymore, then maybe love will give us a chance. "...you will forever be the love of my life. I love you so mu...