Lovers;

5 0 0
                                    


(Daffodil's POV)

Pagdating namin sa baril-barilan na yun na ang tawag pala ay Shoot the Pollens, binigay na yung ticket namin at pinaglaro naman kami agad.

May hawak akong baril ngayon at meron din si Lark na nasa tabi ko. Buti nalang konti lang ang tao dito kasi busy sila sa parade ngayon.

"Mauna ka na, nget."

Ngumisi naman ako at nag aim na.

"Watch yourself lose to Daffodil, Larkspur!" sigaw ko sakanya na may halong panunukso.

"Hah! Sige nga?"

Marunong akong mag aim at diretso yun sa target kasi ako ang pinagbabantay ni Papa sa Flora kapag blooms week na dahil marami ang mga ibon na kinakain ang mga bulaklak. So ayun, natuto akong gamitin yung baril na hindi naman talaga baril kasi holen/ jolen yung bala nun.

Nag aim na ako at isa isang tinira ang mga sunflower.

Dire-diretso at bulls eye ko naman lahat pero meron lang akong tatlong na miss.

Pinatong ko ang plastic na baril at lumingon kay Lark habang naka smirk na parang proud na proud ako.

"Beat that, Larkspur! 7 over 10!"

Pilit naman nyang tinago ang ngiti nya at nag step forward habang hawak yung baril na plastic.

Isa-isa nya yung tinira at hanggang sa kahuli-hulihan, isa lang ang miss nya. Partida dinaya ko sya kasi sumigaw ako bigla kaya napalingon sya. Hahahaha!

"Oh asan na yung 'Beat that' mo, Daffodil? Ha?"

Inirapan ko lang sya at binigyan si Lark ng lalakeng nagbabantay dun ng malaking sunflower bilang premyo.

Pagka abot nya ay binigay nya agad sakin habang nakangiti na tinanggap ko naman agad.

"Saan tayo?"

Iniikot ko ulit ang paningin ko at tumigil iyon sa Roller Coaster na nababalot ng iba't ibang bulaklak.

"Roller coaster?"

Tinignan nya ako habang nakangisi ako sa kanya.

"G!" sigaw nya at hinawakan ulit ang kamay ko.

Naglakad kami papunta dun at pumila sa ticket counter.

"Tickets for two, Miss." nakangiting sabi ni Lark sa babae.

"Paki kuha nga nung wallet ko sa bulsa ko, nget."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya at nahulog ang tingin ko sa kamay naming magkahawak parin at ayaw nyang bitawan habang hawak ko sa kabila kong kamay ang sunflower na napanalunan nya kanina.

"Bitawan mo nalang kasi ang kamay ko hindi naman ako mawawala."

"Ayoko nga. Baka umabot pa kami sa kabilang bayan kakahanap sayo."

Inirapan ko sya at nagsalita.

"Alam mo ang OA mo."

"Ang sweet nyo naman po, Ma'am, Sir. Alam nyo meron po kaming tinatawag na Couple Promo ngayon. Promo po ito para sa mga couples na katulad nyo. One payment for two tickets po."

Nanlaki ang mata ko at napangisi naman si Lark.

"Ah, sige Miss. Kukunin namin yung COUPLE promo." nakangisi nyang sabi at naka emphasize pa talaga yung word na couple.

Loving my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon