Sadness;

1 0 0
                                    

(Daffodil's POV)

"Ateeee! Breakfastttt!"

Narinig ko ang matinis na boses ni Lavender habang niyuyugyog ako.

"Hmm. Susunod nalang ako." I said at humarap sa kabilang side ng kama habang nakapikit pa din.

"Ay anong susunod ate? Hinihintay ka ni Kuya Lark dun!"

My eyes immediately opened as I heard his name and faced her.

"Ha?" I asked her to repeat again.

"What the?! HAHAHAHAHAHAHA!"

Tinaasan ko ng kilay si Lav ng humagalpak sya kakatawa at napahiga pa sa kama ko habang halos mamatay na kakatawa.

"Pinepeste mo ba ko, Lav? Ke aga aga." I said as I hugged my pillow again and slightly kicked her out of my bed.

Ang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Akala ko ba naiyak ko na lahat kagabi?

"Anyare sa mga mata mo te? HAHAHAHA kinagat ba ng bubuyog na Larkspur ang pangalan? Astiggg! HAHAHAHAHA!"

I looked at her, telling her that i'm not in the mood to laugh with her pero tumawa lang sya ng tumawa.

"Baba ka na maya-maya te ha? HAHAHAHA takpan mo muna yang mga luggage mo sa mata. HAHAHAHA!" tumatawa nyang sabi at hanggang sa makalabas sya ay rinig ko parin ang tawa nya.

I lazily get off my bed at pumasok sa CR. I faced the mirror at talaga namang nanlaki ang mata ko.

Pano ko tatakpan to?!

Hinawakan ko yung mukha ko at tumitig sa salamin. From my shocked face, my emotions started to stir again.

-flashback

"Ikaw nget? Musta lovelife?"

I froze nung itanong nya yun.

"Ha?" I awkwardly asked.

"Wala ba?"

I let go from his warm comfort and faced him.

"Wala." I said casually.

Pano magkakaron kung hinintay kita? Kung hinintay ko ang panahong matapang na ako para sana harapin lahat satin.

"Sus! Akala ko pa naman meron kaya mo ako ni reject ng pa ulit-ulit dati. Tapos wala pala? Nakuuuu!" he said playfully.

"Baka kasi hindi pa napapanganak yung para sakin, baks! Hahahaha!" I tried laughing pero halatang halata talagang pilit yun.

"Dapat maging worth it yung pag reject mo sakin ha? Kasi sakin, medyo naging thankful ako na hindi mo ko minahal. Na hindi tayo pareho ng nararamdaman, na pinilit mo kong pumunta sa Sorrel. Kasi kung sakaling naging tayo, hindi ko makikilala si Rox. At siguro, wala tayo sa kung ano mang meron tayo ngayon."

Lahat nalang ba ng sasabihin nya tatagos sa dibdib ko? Lahat nalang ba dadagdag sa sakit?

"Libre mo ko dahil dun! Hahahahaha!"

Ginulo nya ang buhok ko at tumingin sa buwan.

"Pag kinasal na kami, gusto ko ikaw yung photographer ha? Mahal ba bayad nun? hehehe."

Loving my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon