Festival;

6 0 0
                                    

(Daffodil's POV)

"Whoahhhh!"

"Hala ang ganda nun oh!"

"Ako pumitas ng Carnation na yun! Diba?"

Napangiti ako sa mga reaction ng mga kapatid ko.

"Baliw! Hindi lang naman tayo ang nag-deliver ng lahat ng bulaklak na to. Syempre meron ding ibang Flower Plantation kaya hindi mo masasabing ikaw pumitas nun, tanga!" tumawa agad ako pagkatapos kong sabihin yun kay Rose. Baliw talaga.

Malapit na kami sa entrada ng Tweddia- lugar kung saan gaganapin ang Flower Festival. May mga float na sobrang laki at napupuno ng mga bulaklak. Merong mga nade-design sa iba't ibang bagay gaya na lang nung isang Fairy statue na gawa sa Carnation at Chrysanthemums.

Naka sakay kami ngayon sa sasakyan nina Lark. Iba to sa sasakyan na ginagamit sa delivery ng mga bulaklak. Mas mahaba kasi yun at eto maikli lang tsaka may bubong sya pero half ng likuran lang yung natatakpan. Ang ganda nga e kasi nakikita namin lahat pati mga view.

Nasa loob kasama ni Papa at Mama si Tita Hera. Hindi nakasama si Tito Net dahil may pinuntahan daw sabi ni Tita Hera. Nandito naman kami ng mga kapatid ko sa likuran kasama si Lark, Dahlia at si Zinnia.

Narinig ko na ang unti unting pag lakas ng musika na gawa ng banda kaya tumayo ako at humawak sa bandang bubong ng sasakyan.

Malakas ang hangin pero okay lang kasi nakaka excite na talaga.
Nakita ko ang buong lugar pagtayo ko.

Mas marami na ang floats kaysa dun sa entrada palang. Napapalamutian ng iba't ibang kulay at iba't ibang klase ng bulaklak.

"Ang ganda no?"

Lumingon naman agad ako sa boses na nasa gilid ko at nagulat ako kasi sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko.

Tumango nalang ako kasi na star struck ako sa ka gwapuhan ng bestfriend ko.

Shit you're insane Daf.

-

Pagbaba namin, sobrang dami ng tao though malaki naman ang Tweddia.

"Mga bata mag hawak hawak kayo ha. Wag nyong bibitawan ang isa't isa." agad na sabi ni Papa pagka baba nya.

"Grabe ate! Ang ganda ditooooo!" sigaw ni Daisy na nakatayo sa tabi ko habang hawak kamay sila ni Zinnia. Sina Lavender at Lily naman ay hinawakan na ni Mama at Papa kasi baka mawala sila. Si Dahlia naka hawak kay Tita Hera.

Hindi naman na ako naghanap ng hahawak pa sa kamay ko kasi syempre matanda na ako no.

"Papa punta tayo dun sa Ferris wheel!" rinig kong sigaw ni Lily.

Nag usap naman sila Papa at Mama tsaka si Tita Hera. Baka kasi may pupuntahan pa sina Tita.

Katabi ko si Daisy sa kaliwa at sa kanan naman ay si Lark.

Nilibot ko ang paningin ko at namangha ako sa parade ng mga float. Ang tataas na anytime madudurog ka kapag natapakan ka nila. Madami na din ang taong nanunuod ng parade at nag pi-picture.

Parang hardin ng mga dyosa sa sobrang magical. Maraming iba't ibang klase ng bulaklak. Carnations, anemones, lilacs, hydrangeas, tulips, ranunculus at marami pang iba. Pero ang naka kuha ng atensyon ko ay ang Pink Gadiolus.

Loving my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon