(Daffodil's POV)
Noong halos sumakit na ang mga tyan namin kakatawa ay nakaramdam kami ng pagod at gutom kaya pumunta kami sa kainan na sigurado na talagang mabubusog kami. Hindi tulad nung cauliflower na pinaglaruan lang din namin.
"Isuot kaya natin yung damit nget?"
Sinamaan ko sya ng tingin. Okay lang naman sana sakin kaso kapag umuwi na kami, makikita ng mga kapatid ko at tutuksuhin na naman kaming dalawa.
"Ayoko nga. "
Hindi naman na sya namilit pa at pumasok nalang kami sa isang kainan na sa tingin ko ay hindi naman gaanong mahal ang mga pagkain.
Dumami na din ang mga tao dahil kanina pa pala natapos ang Parade. Hindi man lang namin namalayan.
"Ako na mag o-order, upo ka na dun." tinuro ko pa sa kanya yung pwesto na gusto ko. Malapit sa bamboo wall ng kainan.
"G. Longganisa nalang sakin." sabi nya at namulsa habang naglalakad papunta sa table. Kita ko naman ang pag tingin ng mga kababaihan sa kanya.
Anong tinitingin-tingin nyo jan? Tusukin ko yang mga mata nyo e.
Pumila nalang ako sa counter at nakita kong nakaupo na sya dun.
Babalik sana ako sa upuan para itanong kay Lark kung anong drinks ang gusto nyo nya ng may makabunggo ako.
Ramdam ko ang lamig sa loob ng damit ko.
Pagkatingin ko dun, chocolate shake pala yung hawak ng isang batang babae. At natapon na sa damit ko.
Potangina.
"Hala! Sorry. Oh my God. Sorry talaga, Miss." sulpot ng medyo matandang babae. Mama nya yata.
Nagpapanic na sya kaya nakita kong napatingin si Lark sa pwesto namin.
"Okay lang, okay lang."
Pinilit nya pang punasan yung damit ko pero dahil chocolate yun at naka light blue ako, wala na ding pag-asang malinis yun.
Gusto kong magalit syempre pero kalma lang, hindi din naman sinadya nung bata.
"Sorry talaga, Miss. Magbihis ka nalang kaya? Ibibili nalang kita ng shirt." kitang-kita ko ang konsensya sa mga mata nya at sa reaksyon nya.
"Ah n--"
"Wag na, Miss."
Lumipat agad ang tingin ko kay Lark na nasa likuran na nung babae at nakaharap sya sakin. Hindi ko man lang napansin na lumapit sya.
"H-Ha?" naguluhan naman ang babae at nagpalipat lipat ang tingin nya sa aming dalawa ni Lark.
"Wag ka na mag-alala sa shirt nya, Miss. Okay na."
Pagkasabi nya nun, ngumiti nalang ako sa babae at hinatak na ako ni Lark papunta sa pakiramdam ko ay CR.
Pagdating namin dun, doon lang nag sink in sa utak ko ang dala nya.
"Wag mong sabihin na ipapasuot mo sakin yang laman ng paper bag na yan?" pinandilatan ko sya.
"Edi hindi ko sasabihin."
Napabuntong hininga nalang ako at tinignan ang damit ko.
Kapag hindi ako nagbihis, mukha akong batang dungis na walang mga magulang. Alangan naman bumili pa ako ng damit? Bumuntong hininga nalang ulit ako at nilahad ang kamay ko sa nakangisi nang si Lark.
BINABASA MO ANG
Loving my Bestfriend
RomanceCOMPLETED❗️ We're both afraid and vulnerable. Maybe this moment isn't really our time. Maybe when the right time comes and we're not scared anymore, then maybe love will give us a chance. "...you will forever be the love of my life. I love you so mu...