Grocery;

3 0 0
                                    

(Daffodil's POV)

"Daf, anak? Bangon ka na dyan at pupunta ka pa ng Spry. Isama mo si Rose."

Bumangon naman agad ako at kinusot ang mata ko. Tulog pa si Daisy, Lily at Lavender. Nasa iisang kwarto lang kasi kami pero tig iisang kama.

Bumaba na din ako dahil mukhang tanghali na.

Ang Spry nga pala ay kabilang bayan kung saan doon ang Urban part ng Caribbean. Nandun yung mga Grocery stores, Mall, at mga Department stores.

Pagbaba ko, nakabihis na si Rose at kumakain na katabi si Mama.

"Si Papa ma?" tanong ko pagka upo ko sa tapat ni Rose.

"Andun sa Orchids. Inaayos yung mga pinagsasabitan. Kumain ka na at mag bihis."

Nilagyan ko na ang plato ko at kumain na.

"Nga pala, sunduin mo si Lark dun sa bahay nila ah? Nandito sya kanina nag tatanong kung mag go-grocery daw ba ako kasi aalis sila ni Mama nya kaya umuo na ako. Makakalibre pa sa pamasahe kasi may sasakyan sila kaya bilisan mo na dyan."

Sa narinig ko, nanlaki na naman ang mga mata ko.

Bakit ba kapag tungkol sa kanya nagugulat ako palagi? Hindi naman ako ganito dati ah! Crush ko lang naman sya pero mukhang lumalala na ako.

Hindi pwede.

Pagkatapos ko kumain ay nagbihis at na ayos na din ako. Sinuot ko na lang din yung Vine Bracelet kasi sa tingin ko hindi naman na yun susuotin ni Lark.

"Ate, bilisan mo kaya no? Todo paganda pa e, naku naku."

Tinaasan ko naman sya ng kilay sa salamin at tumawa lang sya.

Bumaba na kami at naglakad papunta sa bahay nina Lark. Malapit lang naman ang bahay nila sa amin kaya narating din namin agad.

"Tita Hera?"

Pumasok na kami ni Rose sa bahay nila. Ganun ka close ang mga pamilya namin. Naabutan namin si Dahlia na kumakain ng tinapay sa sala nila habang nanonood ng TV.

"Lia? Nasan si Tita Hera at Kuya Lark mo?"

"Hi Rose! Hi Ate Daf! Si Mama naliligo tapos si Kuya nagbibihis sa kwarto nya sa taas. Akyatin mo nalang po dun." nakangisi pa sya pagkasabi nya nun.

Dahil sa eksena ng couple polo na yun kahapon, hindi na kami tinantanan ng mga pamilya namin. Muntik na nga ako dito sa bahay nila patulugin ni Mama kagabi e. Buti nalang sinaway sya ni Papa. Papa is my saviour.

"Ah wag na. Hihintayin nalang namin. Sasama ka rin ba?"

Umupo kami ni Rose sa upuan nilang gawa sa inukit na kahoy at nanood nalang din ng TV.

"Oo isasama ako ni Mama. Alam mo Ate, bagay talaga kayo ni Kuya. Diba Rose?" nilipat nya pa ang pwesto nya patingin samin.

"Nagpapatawa ka ba, Lia?"

"Oo nga e. Bagay silaaaa! Wahhhhh!" pagtitili na naman ng baliw kong kapatid.

"Alam mo po, nakita ko sa kwarto ni Kuya may-"

Nagulat ako sa biglang pagmamadali pababa ni Lark mula sa taas at pilit nyang pinapasukan ng tinapay ang bibig ni Dahlia.

"Alam mo, ang ganda at ang bait mo talaga, bunso. Kaya mahal na mahal kita e."

"Hmmp! ndidolorisins haw kyah! hmm moreyw waukba ho!  amppp waegkan ho ta galas!" Parang gusto ko na matawa sa sinasabi ni Dahlia kasi para syang alien na pinipilit magsalita habang si Lark naman ay nakangisi ng alanganin sakin.

Loving my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon