(Daffodil's POV)
"Daf binilhan kita ng Cheesecake mula sa Briar! Tikman mo masarap yan!" rinig kong sabi ni Mama pagbaba nya sa hagdan.
Nakarating na sila kani-kanina lang at ang ingay na agad ng buong bahay. Kagabi, tahimik pa ako dito.
Hindi ko alam kung anong nangyari pagkatapos ng sinabi nya at kung paano ako nakauwi at nakatulog kagabi.
'I like you Daf.'
'I like you Daf'
'I like you Daf'
Shit lang.
Paulit-ulit sa utak ko na hindi ko alam kung anong dapat maging reaction ko. Magugulat ba? Magsasaya? Magagalit? Magtatanong? Maguguluhan? Anong sasabihin ko kapag nagkita kami?
"ATE!"
Bumalikwas agad ako ng upo sa upuan ng sigawan ako ng apat kong kapatid. Nasa likod nila si Mama na nakatingin din sakin.
"B-bakit?"
"Anong bakit? Kanina ka pa namin tinatanong!" Humawak pa si Rose sa bewang nya pagkasabi nya nun.
Anong tanong? Shit. Gumising ka nga, Daf!
"A-ah, oo."
Mas lalong tumaas ang kilay nilang lima, kabilang na si Mama sa sinabi ko.
"Anong oo? Ate, tinatanong ka namin kung anong oras ka gumising kanina!"
"A-ah, Alas nwebe."
"Alas nwebe? Ba't tanghali na?" pinagkrus pa ni Mama ang braso nya sa dibdib nya.
Nakatingin sila saking lima habang nakatayo at nakapamewang habang ako nakaupo sa upuan at tinitingala sila. Para akong iniimbistigahan.
"N-Napasarap ang tulog ko e." Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang lima.
"Napasarap? Anong pasarap?" naniningkit ang matang tanong ni Daisy sakin habang nakangisi.
Naisip ko bigla si Lark at ang 'I like you' nya.
Shit.
"Y-Yung c-cheesecake mukhang masarap! Hahahahaha!" sabi ko sa kanila, sinusubukang i-distract ang isip kong si Larkspur ang laman.
"Ano bang nangyayari sayo, Ate?" tanong ni Lavender.
"Anong nangyari ba kagabi Ate?" Tanong naman ni Lily habang nakangisi.
"May dapat ba kaming malaman, ate?" dagdag pa ni Rose.
"Magkatabi ba kayo ni Kuya Lark kagabi? Nag kiss ba kayo, Ate?" tanong naman ni Daisy habang tumataas-taas pa ang kilay.
Binatukan sya ni Mama kaya napakamot sya sa ulo nya.
"Anong kiss kiss sinasabi mo, Daisy Primrose?"
Bumaling si Mama sakin at ngumisi. Kinilabutan naman ako sa ngising yun.
"Daffodil, may nangyari ba sa inyo ni Larkspur?"
Nanlaki ang mata ko habang nakangisi lang si Mama.
"MA! W-Wala!"
BINABASA MO ANG
Loving my Bestfriend
RomanceCOMPLETED❗️ We're both afraid and vulnerable. Maybe this moment isn't really our time. Maybe when the right time comes and we're not scared anymore, then maybe love will give us a chance. "...you will forever be the love of my life. I love you so mu...