Sleepover?;

1 0 0
                                    

(Daffodil's POV)

"Bye, pa! Ingat ka!" sigaw ko kay Papa ng paalis na sya kasama si Tito Net para maghatid ng bulaklak sa Jeopardy. Two days silang mawawala kasi pupunta pa daw sila sa Olea para sa seminar.

Kumaway pa kami sa kanila hanggang sa nawala na sila sa paningin namin kaya naglakad na kami pabalik sa bahay. Nandito rin si Tita Hera at si Dahlia pero wala si Lark. 6 AM palang kasi at baka tulog pa yun.

"Pupunta ka ba mamaya, Ra?" rinig kong tanong ni Mama kay Tita Hera habang nakasunod ako sa kanilang naglalakad.

"Kila Helen? Hindi ako sigurado e."

May lakad sila mamaya? Kila Tita Helen?

"Ako nga rin e."

"Malayo kasi e. At isa pa, Briar yun, panigurado bukas pa tayo makakauwi."

Actually kasi, tatlo talaga silang magbe-bestfriends. Si Mama, si Tita Hera at si Tita Helen. Nahiwalay lang si Tita Helen kasi nakapag asawa sya ng Taga Briar.

So pupunta sila sa Briar?

"Iniisip ko lang baka magtampo si Helen. Matagal-tagal na din tayong tatlo na hindi nagkita kita." sabi ni Mama na mukhang naguguluhan.

"Okay lang naman sakin na isama sina Dahlia at Lark e. Ikaw ba? Yung mga bata?"

"Kailangan kasi may maiwan dito sa Flora e. Alam mo naman kung gaano ka traydor ang taga kabilang Plantation. Baka pag uwi ko kinabukasan sira na lahat ng pinaghirapan namin ni Pido. Hindi nalang ako sasama Ra."

Sigurado akong gusto ni Mama sumama ang kaso iniisip nyang walang maiiwan sa Flora. Isang gabi lang naman sila mawawala.

"Ma, sumama ka nalang po. Ako nalang  po ang maiiwan dito sa Flora. Isang gabi lang naman."

Sabay silang dalawa na lumingon sakin at nagtinginan.

"Sigurado ka, Daf?" tanong ni Tita.

"Wag na, Daf. Delikado kapag ikaw lang mag isa. Baka kung anong mangyari sayo."

May binulong si Tita kay Mama at nagngisihan sila. Saka sila naglakad nalang ulit kaya tumaas ang kilay ko.

Mag bestfriend talaga sila.

--

"Mag iingat ka dito Daf ha? Kandaduhan mo ang pinto at wag na wag ka ng lumabas kapag gabi. Isarado mo lahat ng bintana at wag mo na patayin ang ilaw kapag natulog ka."

"Opo ma, kanina mo pa pinapa ulit-ulit sakin yan. Alas nwebe na ma, tama na."

Pagdating kasi namin sa bahay kanina ay nag ayos agad sila at nag desisyon na iwan ako dito. Aba't hindi man lang ako pinilit?

"Ate ba't ba kasi hindi ka sasama?" tanong ni Rose sakin.

Nakabihis na silang lahat at nakaupo naman ako sa upuan habang nanonood ng TV.

"Wala nga kasing magbabantay dito sa Flora."

"Weh? Yun lang ba talaga ang dahilan?" nakangisi na namang sabat ni Daisy.

"Baka kasi magpapaiwan din si Kuya Lark!" sabat din ni Daisy.

"Ayieeeee!" dagdag rin ni Lavender.

Loving my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon